Anne ‘sinabunutan’ ni Vice Ganda sa selos kay Ion

Sa mga babae riyan, ‘wag kayong basta lalapit kay “Kuya Escort” Ion Perez kung ayaw niyong makatikim ng sabunot kay Vice Ganda.

anne sinabunutan ni vice ganda sa selos kay ion - Anne ‘sinabunutan’ ni Vice Ganda sa selos kay Ion
vice 14 - Anne ‘sinabunutan’ ni Vice Ganda sa selos kay Ion

Sa mga babae riyan, ‘wag kayong basta lalapit kay “Kuya Escort” Ion Perez kung ayaw niyong makatikim ng sabunot kay Vice Ganda.

Ito kasi ang ginawa niya kay Anne Curtis nang makita niyang nakikipagsayaw ito sa rumored boyfriend niya. Habang sumasayaw kasi si Vice ng Cha Cha kasama ang isang contestant ng “Mr. Q and A,” bumu-ballroom din pala sina Ion at Anne sa likod niya.

Eh, hindi agad namalayan ‘yon, dahil aliw na aliw rin si betle sa pakikipagsayaw sa isang contestant. Eh, panay ang sigaw at tawa ng mga fan, kaya lalong ginanahan si Vice sa pagsayaw.

Pero, nu’ng tumalikod siya, nakita nga niya ang ginagawa nina Anne at Ion. Sinugod agad ni Vice ang kanyang sisterette at hinablot sa buhok nang pabiro para pigilan ang kunwaring pakikipaglandian ni Anne kay Ion.

Siyempre, hindi napigilan ng Unkabogable Star na mapa-walling ala Vilma Santos at sabihing, “Sa isang iglap, gumuho ang lahat.”

Bago pa ang eksena ng sabunutan, una nang naganap ang selosan nu’ng ayusin ni Anne ang bowtie ni Ion. Pero paliwanag ni Anne, bilang ate ay ginagawa niya ‘yon kay Ion.

Oh siya, ‘wag masyado mag-react ang mga basher, ha! Biruan lang po ‘yon ng mga host ng “It’s Showtime”.

Si Anne ay happily married sa kanyang chef-vlogger husband na si Erwan Heussaff, at si Vice naman eh happy rin talaga sa kanyang love life.

Natural lang talaga ang comedy nila. Totoo na kasi talaga silang magbabarkada, kaya nga tumagal na ng ten years ang “It’s Showtime” sa ere, ‘di ba?

At dahil October na, ibig sabihin malapit na rin silang magbakbakan sa “Magpasikat” week. For sure, bongga ito dahil celebration ito ng kanilang 10th year anniversary.

‘Yun ang dapat abangan! Dahil sabi ni Vice, hindi na siya papayag na matalo ni Anne, ha!

Well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *