Anne nambulaga sa ‘Showtime’

Biglang bumulaga sa ‘It’s Showtime’ si Anne Curtis, ngayong balik free TV nga ang ilang mga show ng ABS-CBN, via A2Z channel 11.

The post Anne nambulaga sa ‘Showtime’ first appeared on Abante.

anne nambulaga sa showtime - Anne nambulaga sa ‘Showtime’
Anne Curtis - Anne nambulaga sa ‘Showtime’

Biglang bumulaga sa ‘It’s Showtime’ si Anne Curtis, ngayong balik free TV nga ang ilang mga show ng ABS-CBN, via A2Z channel 11.

Pero siyempre, via zoom, or virtual muna ang drama ng pagbabalik ni Anne sa Showtime. Hanggang ngayon kasi ay nasa Melbourne Australia pa rin siya, kasama ang mister na si Erwan Heussaff, at anak na si Dahlia.

Pero, paraan nga ito ni Anne para suportahan ang kanyang show, ngayong napapanood na nga ito ulit sa free TV. Ganadong-ganado nga si Anne na mag-host, magbalita sa bagong development na ito sa Showtime.

Ganadong-ganado rin sina Vice Ganda, Vhong Navarro, Jhong Hilario, Kim Chiu, Karylle sa production number nila.

Sabi nga ni Vice Ganda, ito na raw ang simula na magandang ‘rainbow’ na sinasabi niya na nasisilip niya mula noong magsara ang Channel 2. (Dondon Sermino)

The post Anne nambulaga sa ‘Showtime’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *