Anne nairita sa sorpresa ni Erwan

Kilala ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa kanilang pagiging outgoing o adventurous, kaya naman ngayong summer, kahit hindi na raw makapagbakasyon ang mga fan, tila dinadala naman daw sila ng mag-asawa sa ibang lugar sa pamamagitan ng kanilang Instagram stories at vlogs.

The post Anne nairita sa sorpresa ni Erwan appeared first on Abante News Online.

anne nairita sa sorpresa ni erwan - Anne nairita sa sorpresa ni Erwan
anne 4 - Anne nairita sa sorpresa ni Erwan

Kilala ang mag-asawang Anne Curtis at Erwan Heussaff sa kanilang pagiging outgoing o adventurous, kaya naman ngayong summer, kahit hindi na raw makapagbakasyon ang mga fan, tila dinadala naman daw sila ng mag-asawa sa ibang lugar sa pamamagitan ng kanilang Instagram stories at vlogs.

Nagsimula na nga ang adventure ng mag-asawa at nasa California sila ngayon. Makikita sa mga Instagram nila ang kanilang mga pinaggagagawa.

Kuwento ni Anne na tila 48 hours na silang bumibiyahe at hindi talaga siya sure kung saan siya dadalhin ng kanyang asawa pero nang makarating sila, inumpisahan na nila ang pagha-hike sa isang kagubatan.

Makikita sa hitsura ni Anne na parang medyo naiinis na siya pero nilalabanan niya habang nilalambing naman siya ni Erwan, nakayapos kay Anne para hindi ito magalit.

Nang makarating naman sila sa kanilang destinasyon, nawala na ang inis ni Anne at worth it naman ang stress niya sa pagha-hike doon dahil sa magandang tanawin. (Athena Yap)

The post Anne nairita sa sorpresa ni Erwan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *