Anne nagloka-lokahan sa Araneta

Kabog ang pasiklaban ng apatnapung kandidata sa katatapos lang na Bb. Pilipinas ­beauty pa­geant na ginanap sa Araneta Coliseum, Hunyo 9, Linggo ng gabi.

The post Anne nagloka-lokahan sa Araneta appeared first on Abante News Online.

anne nagloka lokahan sa araneta - Anne nagloka-lokahan sa Araneta
anne 7 - Anne nagloka-lokahan sa Araneta

Bumirit ng ‘Alone’, ‘Halik’

Kabog ang pasiklaban ng apatnapung kandidata sa katatapos lang na Bb. Pilipinas ­beauty pa­geant na ginanap sa Araneta Coliseum, Hunyo 9, Linggo ng gabi.

Ang mag-ex dyowa na sina Anne Curtis at Richard Gutierrez ang mga host, at makikita na pinaghandaan talaga nila ang koronasyon dahil napaka-bongga talaga ng kanilang mga outfit lalo na si Anne na sa opening pa lang ay kumikinang na blue long gown ang kanyang suot.

At nasundan pa ‘yon ng iba’t ibang klase ng gown, ha! Ayaw nga niyang pakabog sa mga kandidata. Oo nga naman, siya ang host at si Anne Curtis siya, kaya dapat umangat din ang beauty niya.

Anyway, para mas mag-enjoy ang mga audience sa Araneta, kapag break time ay kinakantahan sila ni Anne. Pinagbigyan niya ang request ng mga fan na magpa-sample siya ng kantang “Alone” at “Halik”. Kilala si Anne sa boses niyang mala-sintunado pero bet ng mga fan.

Anyway, heto ang mga nanalo sa Bb. Pilipinas 2019 — Bb. Pilipinas Globe: Leren Mae Bautista (Laguna); Miss Intercontinental: Emma Tiglao (Pampanga); Bb. Pilipinas Grand International: Samantha Lo (Cebu City); Bb. Pilipinas International: Bea Patricia Magtanong (Bataan); Bb. Pilipinas Supranational: Ressham Saeed (Maguindanao); at Bb. Pilipinas-Universe si Gazini Ganados ng Talisay, Cebu. (Athena Yap)

The post Anne nagloka-lokahan sa Araneta appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *