Anne, Marco landian ginaya ng mga fan

Tagumpay nga ang unang araw ng “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao na ipinalabas sa 200 sinehan. At bongga nga dahil super ganda ng mga feedback mula sa mga fan na nakapanood na.

anne marco landian ginaya ng mga fan - Anne, Marco landian ginaya ng mga fan
marco 3 - Anne, Marco landian ginaya ng mga fan

Tagumpay nga ang unang araw ng “Just A Stranger” nina Anne Curtis at Marco Gumabao na ipinalabas sa 200 sinehan. At bongga nga dahil super ganda ng mga feedback mula sa mga fan na nakapanood na.

Unang araw pa lang ay nag-trending agad sila sa Twitter. At kanya-kanyang gimik din ang mga fan na gumawa ng kanilang bersyon ng poster ng pelikula.

Mayroong fan na ginaya ang polaroid picture na huling in-upload nina Marco at Anne bago ang kanilang premiere night na may caption na “We’re going to pay for this.”

May hindi rin nagpakabog, in-edit ang poster ng pelikula, pinalitan ang mukha na imbes si Marco ay ang mukha ng fan na nakayakap kay Anne.

Tuwang-tuwa si Anne sa mga feedback na natatanggap niya lalo na sa pakulo ng mga fan pagda-ting sa kanilang poster.

(Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *