Anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni Erwan

Sari-saring reaksyon ang bumuhos sa makulit na sagutan ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis at karamihan doon ay puro tawa.

The post Anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni Erwan appeared first on Abante News Online.

anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni erwan - Anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni Erwan
anne 5 - Anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni Erwan

Sari-saring reaksyon ang bumuhos sa makulit na sagutan ng mag-asawang Erwan Heussaff at Anne Curtis at karamihan doon ay puro tawa.

Mukhang hindi kasi magkapiling ngayon sina Anne at Erwan. Busy sa trabaho si Anne, samantalang ang kanyang asawang si Erwan ay todo adventure naman kung saan-saan.

Nag-post ng litrato si Erwan na proud siyang narating niya na ang Mt. Pulag na agad namang nag-react si Anne at sinabing “Huy!! Puro ka lakwatsa!!” sabay sinabi rin na ipa-Google translate ang ibig sabihin noon dahil hindi naman bihasa sa lengguwaheng Filipino ang kanyang asawa.

“I knew what that meant already! You married a wanderer,” agad namang sagot ni Erwan kay Anne.

Well, mukhang hindi nga maitatago ang pagka-clingy ni Anne sa kanyang asawa dahil sa mga tweet niya at marami ngang fan ang natutuwa sa samahan ng mag-asawa.

Medyo it sounds like na sinasabi nga lang ni Erwan na hindi dapat magreklamo si Anne sa pagi­ging lakwatsero ni Erwan dahil ganoon talaga siya ever since.

Inaabangan naman ng mga fan ang susunod na adventure na magkasama silang dalawa dahil kakaiba nga kasi talaga ang kanilang gimik mag-asawa lalo na ‘pag nakita ang reaksyon ni Anne tuwing may sorpresang pakulo si Erwan. (Athena Yap)

The post Anne imbiyerna sa paglalakwatsa ni Erwan appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *