Anne halos mamatay sa kilig sa tabi ni Gong Yoo

Ganyan ang eksena ni Anne Curtis ngayon, na obyus naman, na isang panaginip, pangarap niya ang natupad.

anne halos mamatay sa kilig sa tabi ni gong yoo - Anne halos mamatay sa kilig sa tabi ni Gong Yoo
anne 13 - Anne halos mamatay sa kilig sa tabi ni Gong Yoo

Bucket list checked!

Ganyan ang eksena ni Anne Curtis ngayon, na obyus naman, na isang panaginip, pangarap niya ang natupad.

Matagal na ngang bucket list ni Anne ang makadaupang palad ang sikat na Korean actor na si Gong Yoo, na sikat sa Pilipinas, dahil sa pelikulang “Train to Busan”, at Koreanovela niyang “Goblin”, na ipinalabas sa ABS-CBN 2.

Noon pa man, super fan na talaga si Anne ni Gong Yoo. Katunayan, nagpunta pa siya sa ibang bansa para mag-attend sa isang event ni Gong Yoo, pero nu’ng time na ‘yon, hindi siya nabigyan ng chance na makapagpa-picture sa Korean actor.

Well, alam niyo naman ang mga K-drama, K-pop star ngayon, hindi sila basta-basta nalalapitan para makapag-selfie, ha! Si Kuya Kim Atienza lang ang nabiyayaan noon na makalapit kay Gong Yoo, na ang biro nga niya ay kakambal niya.

Anyway, sa isang event ng Louis Vuitton sa Seoul, Korea, na kung saan ay inimbitahan nga si Anne, na sa tingin ko ay siya ang pinadalang representative ng isang sikat na magazine (Preview), natupad na nga ang dream ni Anne.

At hindi lang basta-basta picture, dahil nagkaroon sila ng chance na magtsikahan, base sa mga photo na naglabasan sa social media. All smile, o halos tenga sa tenga nga ang tawa ni Anne sa photo na ‘yon. Ramdam mo na kilig na kilig siya, ha!

“Working it and trying to look cute for the opening of the Maison Louis Vuitton Seoul last night. Top to toe in the Fall Winter ‘19 collection. I had a lovely time and I think you all know why. @studiotorio @previewph @louisvuitton #LVseoul #LVphilippines,” sabi ni Anne.

Pero, ‘yun nga, medyo bitin ang mga fan, dahil as of this writing ay wala pa siyang pinu-post na kuwento, o photo nila ni Gong Yoo, ha!

Bawal pa kaya, dahil ang mga photo na lumalabas ngayon sa social media ay naka-watermark sa naturang magazine.

Katunayan, si Kuya Kim nga, biglang nag-edit ng photo niya, na sa simula ay walang watermark, pero biglang nawala ang photo, at nu’ng i-post niya ulit ito ay may watermark na!

Pero sa Instagram story ni Anne, kitang-kita rin na super fan girl siya, na halos lahat ng kilos ni Gong Yoo ay vinideohan niya.

“Me, waiting for my turn to do the photo wall… After no less than… Ok, maybe I was dying a little…” sabi ni Anne.

Punong-puno rin ng heart ang mga IG story niya na ang laman ay si Gong Yoo.

Well, congrats Anne, dahil sa achievement unlocked na ito. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *