Anne ginawang mic stand

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang nangyari kay Anne Curtis sa Bb. Pilipinas coronation night, kung saan ay sila nga ni Richard Gutierre­z ang nag-host.

The post Anne ginawang mic stand appeared first on Abante News Online.

anne ginawang mic stand - Anne ginawang mic stand
ABANTE anne - Anne ginawang mic stand

By Dondon Sermino

Miss Sorsogon kinawawa ng mga fan

Usap-usapan pa rin hanggang ngayon ang nangyari kay Anne Curtis sa Bb. Pilipinas coronation night, kung saan ay sila nga ni Richard Gutierre­z ang nag-host.

Sa Question and Answer portion kasi, hindi inaasahan ng lahat na magiging tagahawak lang ng mikropono ni Miss Sorsogon, Isabela Galeria, si Anne, na ang ganda-ganda nga raw nu’ng gabing ‘yon, at sosyal na sosyal sa suot niyang gown.

Asar-talo nga si Anne ng mga kasamahan niya sa “It’s Showtime,” na sabi nga ay napagod ang braso dahil kay Miss Sorsogon.

“So today I woke up as a meme.

“I honestly had no bad intentions towards @annecurtissmith I was just real­ly nervous and was concentrating to answer the question being asked.

“Anne is a superstar and was very kind, polite and gracious to all of us.

It was a pleasure and inspiring to be in her presence,” sabi ni Miss Sorsogon.

Siyempre, naiintindihan naman ni Anne ang sitwasyon. At sabi nga niya kay Isabela.

“All of you were nervous and had to concentrate on one of the most crucial parts of the pageant – Q&A. It was an honor to be of service to you and all the beautiful candidates. Ganyan lang talaga minsan. May mga kulit moments na hindi palalampasin ng Madlang People.”

‘Yun nga lang, ang daming bumatikos kay Isabela, na kesyo nag-feeling diva, at ginawa talagang alalay si Anne. Na kesyo hindi maganda ang ginawa nito na pinamewangan pa si Anne, ha!

Kung ano-anong mensahe nga, pambabatikos ang mababasa mo patungkol kay Isabela. Pero sabi nga ni Anne, wala ‘yon sa kanya, at hindi dapat palakihin.

May mga netizen na kumampi kay Isabela na nag-post din ng mga photo na ang mga host ang may hawak ng mikropono sa Q&A portion ng Miss Universe, tulad ni Steve Harvey. Well…

The post Anne ginawang mic stand appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *