Anne bawal nang tumalon, maglambitin

Isa sa may mga pasabog every year sa “It’s Showtime’s Magpasikat” ay ang ‘Pambansang Dyosa’ na si Anne Curtis, at madalas nananalo rin ang team na kanyang pinangungunahan dahil nga sa pagiging competitive niya. “Pasabog queen” din siya kung tawagin.

anne bawal nang tumalon maglambitin - Anne bawal nang tumalon, maglambitin
anne 12 - Anne bawal nang tumalon, maglambitin

Isa sa may mga pasabog every year sa “It’s Showtime’s Magpasikat” ay ang ‘Pambansang Dyosa’ na si Anne Curtis, at madalas nananalo rin ang team na kanyang pinangungunahan dahil nga sa pagiging competitive niya. “Pasabog queen” din siya kung tawagin.

Mula sa paglalambitin sa ring o sa tela, tatalon sa mataas na palapag at kung ano-ano pang pakulo ang mga ginagawa ni Anne every year. Ngayong taon nga ay kakaiba ulit ang ginawa niya. Pero sabi nga niya, huling performance na niya ‘yon.

“This is my last MAGPASIKAT performance doing stunts. After this 10th Anniversary performance, kanta kanta at relax na lang ako. And I, thank you ok na ako. Lol,” tweet ng aktres.

So, okay na raw siya. Nangangahulugan ba itong nagdadalang-tao na siya o magpo-focus na siya bilang asawa kay Erwan Heussaff?

Karamihan sa mga reaksyon ng mga fan, palagay nila ay buntis na ang aktres kaya naman super abang o looking forward na sila sa big announcement ni Anne.

Hiling ng mga netizen na maging malusog si Anne kung sakaling buntis nga ito. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *