Annabelle Rama proud ‘bold star’

Isa sa matatawag na masayang showbiz personality si Annabelle Rama.

annabelle rama proud bold star - Annabelle Rama proud ‘bold star’
anabelle 2 - Annabelle Rama proud ‘bold star’

Jun Lalin Anything Goes 23 336x224 - Annabelle Rama proud ‘bold star’Isa sa matatawag na masayang showbiz personality si Annabelle Rama.

“Character” nga ang Gutierrez matriarch.

Talagang nakakaaliw si Bisaya lalo na kapag nagbitaw na ng mga one-liner.

Habang nasa meeting kami, nagtanong ang kasama namin sa kanya.

“So, artista rin po kayo noong araw?!” tanong ng kausap namin.

“Bold star! Hahaha! Hindi naman kasi ako marunong umarte. Konting dialogue lang, ok na!” prangkang dialogue ni Bisaya kaya tawanan ang lahat.

Pati ang mister ni Bisaya na si Eddie Gutierrez ay natawa na lang sa pagiging “biba” ng misis.

Actually, kapag kasama mo si Bisaya ay no dull moment talaga dahil sobrang nakakaaliw ang bitaw ng mga salita!

Rufa Mae obligado nang tumira sa Amerika

Papunta pala ng Amerika si Rufa Mae Quinto. May nagtsika sa akin na aayusin daw ni P-chi (palayaw niya) ang papers niya at kailangang mag-stay sa Amerika ng mga anim na buwan.

Married to an American si P-chi, kay Trevor Magallanes, kaya puwedeng-puwede siyang mag-stay sa Amerika.

Nakatutuwa nga pala si P-chi dahil siya mismo ang nag-aalaga sa anak na si Alexandria Athena Magallanes. Hands-on mother si P-chi sa anak.

Ang bongga!

Joaquin Domagoso ‘di paborito ni Yorme

Mamayang 2:00pm ipapalabas sa “Anything Goes” show ko sa Abante News Online ang interview ko kina Sharon Cuneta at Regine Velasquez-Alcasid para sa kanilang “Iconic” concert on Friday and Saturday.

Bale after ng Sharon-Regine interview, may Joaquin Domagoso interview rin ako.

Doon ay nabanggit ni Joaquin na ok lang sa kanila ng pamilya nila ang pagiging busy ng tatay nila na si Manila Mayor Isko Moreno.

Ok lang daw ‘yon dahil pagsisilbi naman sa bayan ang ginagawa ni Mayor Isko.

Naikuwento nga rin pala ni Joaquin na same sila ng birthday ni Mayor Isko, October 24, pero hindi naman daw siya ang fave child ng kanilang tatay.

Tungkol naman sa pag-aartista niya ngayon, ang usapan daw nila ni Mayor Isko ay kailangang studies pa rin ang priority niya.

Actually, may TV series daw sana na gagawin siya at nakapag-workshop na siya, pero may conflict sa kanyang schooling, kaya nag-give up na siya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *