Annabelle Rama miss nang magsuot ng bra

“Si Mommy, napaka-lakwatsera, kaya bored na talaga siya sa bahay dahil hindi siya makalabas!” sey ni Ruffa Gutierrez tungkol sa nanay niyang si Annabelle Rama nang magkausap kami.

annabelle rama miss nang magsuot ng bra - Annabelle Rama miss nang magsuot ng bra
anabel rama - Annabelle Rama miss nang magsuot ng bra

Jun Lalin Anything Goes 119 1 336x224 - Annabelle Rama miss nang magsuot ng bra“Si Mommy, napaka-lakwatsera, kaya bored na talaga siya sa bahay dahil hindi siya makalabas!” sey ni Ruffa Gutierrez tungkol sa nanay niyang si Annabelle Rama nang magkausap kami.

Nabanggit din ni Ruffa na ‘yung mga dating palaging katsikahan kasi ni Bisaya, hindi na rin daw nito nakakausap dahil hindi na sumasagot kapag tinatawagan ng Gutierrez matriarch.

Kahapon ng umaga, tinawagan ako ni Bisaya. Almost an hour ang tawag niya sa akin, kaya biniro ko pa nga na obvious na sobrang bored na nga siya sa bahay.

Anyway, the reason ng pagtawag sa akin ni Bisaya ay para ipaalalang huwag na akong lalabas ng bahay habang nasa Beverly Hills, California dahil number one na nga sa listahan ng may pinakamaraming COVID-19 cases ang Amerika.

“Sabi ni Elvis (Gutierrez, anak niya), ang Amerika na ang number one sa pinakaraming COVID-19 cases. Ang New York ang pinakarami at marami na rin sa Los Angeles (California). Nakakatakot.

“Huwag ka na lumabas kapag hindi naman importante. Marami ka namang mga kaibigang nagpapadala ng pagkain sa ‘yo,” paalala ni Bisaya na parang nanay talaga ang dating.

Totoo bang gusto na niyang tumakas sa loob ng bahay dahil bored na siya?

“Hindi! Ayokong lumabas. Dito lang ako. Kahit naman bored na ako, saan naman ako pupunta? Sarado ang lahat. Ano naman ang gagawin ko sa labas?

“Mas mabuting stay at home lang. Kailangang sumunod tayo,” sey ni Bisaya.

Pero marami raw siyang nami-miss ngayong nasa bahay lang siya.

“Missed ko na ang pagba-bra. Palagi lang kasi akong naka-duster sa bahay, kaya bra-less ang beauty ko. Hindi na ako nagbibihis ng mga panglabas.

“Nami-miss ko na mag-bag. Na naka-shoes. Noon, palagi akong may dala-dalang bag. Palagi akong naka-shoes. Sa bahay lang naman ako, kaya wala,” sabi ni Bisaya.

So, hindi na raw siya sinasagot pati ni Mother Lily Monteverde?

“Noong bago pa lang ang lockdown, palagi kong kakuwentuhan si Mother Lily. Palagi kaming magkausap, pero lately, aba, himala, wala na siyang tawag.

“Ang cellphone ko, hindi na tumutunog, kaya palagi ko na lang iniiwan sa bedroom namin.

“Sabi ko kay Eduardo (Eddie Gutierrez), nasaan kaya si Mother Lily at hindi na tumatawag?

“Sabi naman ni Eduardo, for sure nasa bahay lang at bakit naman tatawag, eh, pareho lang naman kaming hindi makakalabas.

“Noon kasi, araw-araw tumatawag si Mother Lily para magyayang kumain sa labas.

“Eh, ngayon, paano pa siyang magyayaya, eh, for take out lang naman ang lahat ng mga restaurant na bukas ngayon, hindi puwedeng kumain,” sey ni Bisaya.

Marami pang mga kuwento si Bisaya like hindi niya kinakausap si Ruffa, pero saka na ‘yon, kapag tapos na ang lockdown.

***

Raymond, Ruffa mga aso ang madalas ka-bonding

Like their mother, panay rin ang message sa akin nina Ruffa, Elvis, Richard at Raymond Gutierrez sa chat group namin. Panay ang paalala nila sa akin na huwag lumabas ng bahay.

Eh, kahapon, lumabas ako para mag-pick-up ng food order ko sa Urth Caffé sa Beverly Drive, kaya kinunan ko ‘yung favorite park nila na Roxbury Memorial Park na marami pa rin namang nagpupunta para maglakad, mag-exercise at i-enjoy ang lugar na ‘yon.

“My gosh, huwag ka na kasing lumapit sa mga makakasalubong mo!” paalala ni Ruffa.

“Naka-mask at gloves ako. Saka paano ka lalapit, eh, kapag magkakasalubong ang mga tao dito, nag-iiwasan. Pina-practice talaga ang social distancing,” sabi ko.

Kung si Ruffa na panay ang video chat with friends and co-stars sa “Love Thy Woman” ng ABS-CBN, si Raymond naman, twice pa lang daw nagbi-video call sa mga kaibigan.

Mukhang hindi bored si Raymond sa kanyang condominium unit sa may Makati City at ine-enjoy ang pagkaka-lockdown doon.

Panay ang bonding ni Raymond sa kanyang dog na si Presley na isang blue black afghan hound.

Kung si Ruffa ay may Nala na dog na sobrang enjoy siyang ka-bonding, si Raymond naman, parang anak ang turing kay Presley!

In fairness, tama naman kasi ang kasabihan na “man’s best friend” ang dog!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *