Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita

‘Kaloka ang ulan at hangin kahapon dahil kay Super Typhoon Rolly.

The post Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita first appeared on Abante.

annabelle nanghiram ng buhok kay pilita - Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita
Annabelle Rama - Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita‘Kaloka ang ulan at hangin kahapon dahil kay Super Typhoon Rolly.

Sana nga, Dondon, (my dear editor), humina na ang bagyo today.

Kahapon nga, maraming lock-in taping ang kinansela dahil sa bagyo.

Nakapangako pa naman ako kahapon na pupunta sa Sunday lunch ng Gutierrez family, pero dahil katakot ang ulan at hangin, tinawagan ko na lang si Annabelle Rama na hindi na ako pupunta.

“Hindi rin ako sure kung pupunta pa sina Chard (Richard Gutierrez). Tatanungin ko pa lang siya,” sey ni Bisaya.

Anyway, nagkasama-sama naman kami noong Friday para sa intimate birthday dinner salubong ni Bisaya na ginanap sa Bloom Café + Bar.

Dumating doon si Richard kasama ang misis na si Sarah Lahbati at nakasama rin namin ang mag-asawang Elvis at Alexa, pati si Rocky at ang mga apo ni Bisaya na sina Lorin, Venice at David. At siyempre, si Raymond.

“May kulang sa family ko, si Ruffa (si Ritchie Paul ay nakasama na nila the weekend before her party), pero magpapa-dinner naman siya after ng lock-in taping niya for TV5 (“Stay-In Love” na produced ng Cignal Entertainment at ang Cornerstone Studios ang namamahala sa production).

“Sina Mother Lily at Roselle (Monteverde) nga, kausap ko. Sabi ko kay Mother, alam ko naman na hindi siya lumalabas ng bahay. Pero kapag si Ruffa na ang nag-invite for intimate birthday dinner, siyempre iimbitahan ko si Roselle.

“Marami nga ako hindi na-invite noong Friday. Hindi naman kasi puwede. So, group-group lang muna,” sabi ni Bisaya.

Naikuwento ko nga kay Bisaya na marami ang nagulat sa hairstyle niya noong Friday.

“Tita, may mga nagtanong sa akin kung naka-wig ka raw?!” sabi ko na sinagot niya ng, “Ano sabi mo?”

“Sabi ko mukhang naka-wig ka nga at hiniram mo yata kay Tita Pilita (Corrales) kasi parang may ganoong hairstyle si Tita Pilita before. Hahaha!” sagot ko naman at tumawa rin ang Gutierrez matriarch.

***

Eddie mas pumogi sa white hair

Marami rin ang nagulat dahil all white na ang hair ni Eddie Gutierrez.

Ang ibang mga bisita that night, hindi malaman kung nasaan ang Gutierrez patriarch kapag nakatalikod dahil all white na ang hair niya, pero in fairness, guwapo pa rin si Tito Eddie, huh!

Bagay sa kanya na all white ang hair at siguro kung ia-allow siyang makapag-taping o shooting uli, maganda na huwag muna siyang magpakulay ng buhok para kakaiba naman ang dating niya!

Anyway, katulad ng ibang mga nagbi-birthday, ang isa sa mga wish ni Bisaya ay mawala na ang COVID-19 at maging healthy lahat sila ng kanyang pamilya!

To Bisaya, happy, happy birthday!

***

Bianca, Sherwin magka-date sa b-day ni Bisaya

Nasa intimate birthday dinner din ni Bisaya ang mag-sweethearts na sina Senator Sherwin Gatchalian at Bianca Manalo.

May isang nagsabi sa akin na tanungin ko ang mag-sweethearts kung kailan na nga ba ang kasal nila, pero nahiya naman ako dahil mukhang ine-enjoy nila ang kanilang dinner.

Medyo matagal din kasi silang hindi nagkasama at kalalabas pa lang kasi ni Bianca sa taping ng “FPJ’s Ang Probinsyano”.

Eh, mukhang happy naman si Sen. Sherwin sa tuwing kasama si Bianca at obvious na in love na in love sila sa isa’t isa.

In two weeks, magla-lock-in na uli si Bianca sa taping nila sa Batangas, kaya sa ngayon, mukhang lock-in muna silang dalawa ni Sen. Sherwin!

***

Diego, Monching, Panelo nang-aliw sa party

May konting kantahan sa intimate birthday dinner ni Bisaya.

Si Atty. Salvador Panelo, kumanta, pero marami ang nagulat dahil isa lang ang kinanta niya, huh!

Nagpa-sample rin ng kanta si Tito Eddie.

Si Ramon Christopher, nag-sing din.

Siyempre, natuwa ang lahat nang kumanta rin si Diego Gutierrez.

Eh, si Bisaya, hindi aware na magaling ding kumanta si Diego, huh!

Nag-enjoy rin ang lahat nang mag-duet naman sina Ramon Christopher at Sarah Lahbati.

Sayang, hindi kumanta si Bisaya, ‘noh?!

Some years back, sa isang birthday event niya, marami ang nagulat nang may song number ang Gutierrez matriarch, huh!

The post Annabelle nanghiram ng ‘buhok’ kay Pilita first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *