Annabelle nakipag-ayos na kay James Blanco

Last Sunday, magkasama kami ni Annabelle Rama sa Greenhills, San Juan.

annabelle nakipag ayos na kay james blanco - Annabelle nakipag-ayos na kay James Blanco
anabelle x rico - Annabelle nakipag-ayos na kay James Blanco

Jun Lalin Anything Goes 34 336x224 - Annabelle nakipag-ayos na kay James BlancoLast Sunday, magkasama kami ni Annabelle Rama sa Greenhills, San Juan.

Eh, nainip kami, kaya nagyaya ako na magpunta sa Power Plant Mall sa Rockwell, Makati dahil kasama rin namin ang Los Angeles-based reporter na si Oliver Carnay para makapamasyal na rin.

Habang patapos na kaming mag-dinner sa The Grid, nakita kami ni James Blanco ba ­ex-talent ni Bisaya.

Actually, hindi naman imbiyerna si Bisaya kay James dahil maayos naman ang kanilang paghihiwalay.

That time kasi, parang tinamad na rin si ­Bisaya sa pagma-manage dahil dinibdib niya ang pagkatalo nang kumandidato siyang ­representative sa Cebu City.

Si James naman, tuwang-tuwa na nakita ang dati niyang manager at sinabing, “Tita ­Annabele, happy birthday!”

Sabi pa ni James kay Bisaya, tina-try ­niyang bumati ng happy birthday sa dati niyang ­manager sa comment section ng Instagram ­account nito (@annabelleramaig), pero ayaw raw mag-post.

Birong dialogue ko, “Tita, baka naka-blocked pa rin si James sa account mo?” at pareho silang natawa.

Pina-check sa akin ni Bisaya ang settings ng kanyang IG account at nakapag-comment na rin si James.

“Ayan, hindi na naka-block si James. Hahaha!” biro ko na naman.

Sabi ni Bisaya, ok sa kanya si James at gusto nga niya ang role nito bilang bading na mayor sa The Killer Bride.

So, sino ang peg ni James sa pagiging ­bading na mayor?

“Meron, pero secret! Hahaha!” tatawa-ta­wang dialogue ni James.

Kasama ni James ang misis niya na si Tania at tatlo nilang mga anak (dalawang lalaki at ­babae ang bunso).

Sabi ni Tania, “Si Mayora!” na ang ­tinutukoy ay ang role ni James sa The Killer Bride na ­obvious na ok lang sa kanya dahil role lang ­naman ‘yon.

Sabi pa ni Bisaya kay James, “Favorite ko ang The Killer Bride, kaya palagi kitang napapanood. Ang galing mo!”

Ang bunsong anak ni James, inaanak ni Bisaya, kaya magandang tingnan na ok silang dalawa.

Nakaka-happy lang! Nakaka-FRESH! ­Hahaha!

At least, parang family ang turing ni Bisaya kay James kahit hindi na niya ito talent, huh!

Ang bongga!

Mga Kapamilya star byaheng Italy sa Nov. 12

Unti-unti na palang nagte-taping ang mga taga-ASAP Natin ‘To dahil karamihan nga sa kanila ay aalis na sa ­November 12 ­pa-Rome, Italy para sa kanilang 2-part show roon on November 16.

Bale sa November 10 ay live pa sila at may taping din on Sunday para sa kanilang ­November 17 episode.

Pero may ibang parts na kinunan na nila last Sunday katulad ng promotions nina Richard ­Gutierrez at Bea Alonzo para sa Unbreakable movie na showing na on November 27.

Actually, kapwa excited sina Richard at Bea sa kanilang first team-up. Nasa kabilang network pa lang si Richard ay matindi na ang clamor na sana kahit sa movie ay magka-partner sila at itong Unbreakable na nga ang katuparan no’n.

In fairness, natuwa ang mga fan nang ­makita silang magkasama sa taping ng ‘ASAP Natin ‘To last Sunday’.

Anyway, sunud-sunod ang shooting ng ­Unbreakable dahil malapit na nga ang showing nila.

Happy nga pala sina Richard, Bea, pati si Angelica Panganiban dahil ngayon pa lang ay marami sa kanila mga fan at friends ang ­nagpapa-schedule na ng block screening for their movie!
Nice!

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *