Annabelle kay Gretchen: Buong mundo sinusumpa ka!

Nagsanga-sanga na ang kuwento, damay-damay na ang eksena.

annabelle kay gretchen buong mundo sinusumpa ka - Annabelle kay Gretchen: Buong mundo sinusumpa ka!
gretchen x annabelle - Annabelle kay Gretchen: Buong mundo sinusumpa ka!

Nagsanga-sanga na ang kuwento, damay-damay na ang eksena.

Kumbaga, kung kaibigan ka ng kampo nina Marjorie-Julia, kaaway ka na agad ng kampo ni Gretchen.

At ang pruweba, ang walang kamuwang-muwang, walang malisya, na komento ni Ruffa Gutierrez sa latest Instagram post ni Julia.

“Good morning selfies,” ang simpleng caption ni Julia sa photo niya na ang kamay ay nakatungkod sa kanyang pisngi. Half smile lang ang drama ng photo, pero siyempre, lutang pa rin ang ganda ni Julia.

“Freshhhhh!” ang simpleng comment ni Ruffa sa photo na ‘yon ni Julia, na nu’ng mga oras na sinusulat ko ito ay may 314 likes na.

At tulad sa isang pelikula, may next scene agad-agad. Kabog ang mga teleserye, dahil hindi na kailangan ang mahabang take o rehearsal, dahil agad-agad, may naiere na agad na episode.

Hayun nga si La Greta at nag-post sa kanyang Instagram story ng ‘Sawsaw pa more. Ruffy!!! Take it take it! Wow!!!”

Makikita na kinulayan ni Gretchen ng pula ang komento na ‘yon ni Ruffa.

Marami nga ang nagkomento sa mensahe na ‘yon ni Ruffa. In-inform nga nila na pinatutsadahan na ni Gretchen si Ruffa.

“Beautiful Ruffa pinatatamaan ka na ni baliw La Greta sa IG story niya. Lolz. Wag mong hayaan na pati ikaw I low blow din,” sabi ng isang netizen.

“Kaloka si Tita ni Julia, pati pag-greet mo binigyan pa niya ng issue,” sey pa rin ng isang fan.

Nakakakaloka lang na pati nga ang namatay na isyu na noon, ang Manila Film Fest Scam, ay binuhay pa ulit ni Gretchen. Ang ‘take it take it’ ay sumikat nu’ng 1994 na panahon ng MFF scam, na involved din sina Gretchen, Gabby Concepcion, ang beauty queen na si Viveka Babajee ng Mauritius (na namatay na), pati na sina Aiko Melendez at Edu Manzano. Si Lolit Solis nga na manager ni Gabby Concepcion noon ang itinuturong utak ng MFF scam.

Lumikha nga ng malaking iskandalo ang kuwentong ‘yon na umabot pa sa ibang bahagi ng mundo, ha!

At para ngang bumalik ulit sa panahon ng 1994. May mga karakter, artista na nababanggit ulit ang mga pangalan ngayon, ha!

Like Gabby Concepcion na kapatid ni Mike Concepcion, na mapapangasawa raw ng nanay ni Nicole Barretto. Si Edu Manzano na malapit na kaibigan ng mga Barretto, na nu’ng nagkagulo nga sina Marjorie at Claudine ay nasa gitna raw ng dalawa, umaawat nu’ng mga oras na ‘yon.

Si Lolit Solis na kaka-post din lang sa IG niya na pinupuri si Marjorie sa interview nito. Pero, hayagan ding sinabi na hindi niya gusto na sinabi ni Marjorie na sinasabi raw ni Gretchen na minomolestiya ito ng tatay nila noon.

Well, abangan na lang natin kung ano ang magiging reaksyon ni Ruffa, na sa mga oras na sinusulat ito ay nananahimik pa. Pero, si Annabelle Rama ay agad may post sa IG, na bigla ring binura makalipas ang ilang minuto.

“HaHaHa! Kawawa ka naman. Halos wala ka ng kakampi. Halos buong mundo, isinusumpa ka. Nananahimik kami, bakit galit ka sa comment ng anak ko, masama bang mag-comment ng positive?”

O siya, may bago na namang aabangan ang mga netizen. At sabi nga, masarap manood ng mga ganitong eksena kung may pop corn.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *