Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si Yam

I’m back! At dahil more than 12 hours ang transit ko sa Hong Kong, wala akong ginawa kundi ang magtawag. Isa sa nakatsikahan ko ay si Annabelle Rama.

The post Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si Yam first appeared on Abante.

annabelle iritada ruffa inutusang bugbugin si yam - Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si Yam
Anabell - Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si Yam

Jun Lalin Anything Goes 42 1 300x200 - Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si YamI’m back! At dahil more than 12 hours ang transit ko sa Hong Kong, wala akong ginawa kundi ang magtawag. Isa sa nakatsikahan ko ay si Annabelle Rama.

Sabi ko kay Bisaya, naaliw ako sa pakikialam niya sa eksena nina Amanda del Mundo at Dana Wong sa pinag-uusapang teleserye ng ABS-CBN, ang “Love Thy Woman”.

Iritable kasi si Bisaya sa anak na si Ruffa Gutierrez na gumaganap na Amanda sa series na ‘yon. Bakit daw siya pumayag na hindi gumanti nang sugurin at batukan ni Yam Concepcion (gumaganap na Dana) sa isang eksena nila?

Actually, nang makausap ko si Ruffa, natatawa siya sa kanyang nanay.

Sa video kasi na pinost ni Ruffa sa kanyang Instagram story (@iloverugffag), sinabi ng aktres na kung ‘yon ang gusto ni Bisaya, sana ay ang nanay na lang niya ang naging scriptwriter ng kanilang teleserye.

Naku, nang katsikahan ko rin naman si Bisaya, inis na inis siya kay Ruffa dahil hindi nga raw lumaban kay Yam.

“Ewan ko sa babaeng ‘yan (Ruffa), nagpapaapi. Sana lumaban siya. Sana nagwala siya. Sana pinaghahampas niya si Yam.

“Ang liit ni Yam. Sa laki niya, pumayag siyang mabatukan lang ng babaeng ‘yon. Ayoko ng eksenang ‘yon.

“Kung ako ‘yon, nagwala na ako,” sabi ni Bisaya.

“Pero, Tita, naka-posas na si Amanda. Nasa court din sila, paano siyang lalaban?” sabi ko naman.

“Puwede naman. Nagwala siya dapat. Pinagsisipa sana niya si Yam.

“Hindi tama na pumayag na lang siya sa ginawa sa kanya.

“HINDI TAMA!” madiing dialogue ni Bisaya.

Hahaha! Nakakatawa talaga si Bisaya, kaya nag-dialogue rin ako na maka-Ruffa, “My gosh! Sana ikaw na lang ang naging scriptwriter.

“Sana hindi ka pumayag sa ganoong eksena. Sana ni-revise mo ang script ng ‘Love Thy Woman’ para nalabanan ni Amanda si Dana!”

“Sana nga ako na lang ang scriptwriter para may sabunutan at tadyakan sila. Hahaha!” natatawang dialogue ni Bisaya.

Talagang natawa na rin ako. Akala yata ng mga kasabay ko sa lounge ay naloloka na ako dahil sa katatawa sa dialogue ni Bisaya, huh!

Samantala, sa tsikahan pa rin namin ni Ruffa ay nabanggit niyang, “Hahaha, she wanted me to slap Dana Wong. ‘Kaloka. She said the same thing with Eula (Valdes as Lucy Wong).

“I’m like, ‘Hmph!’. Hindi naman kasi ‘yon ang nakalagay sa script. I have to follow the script and naka-posas si Amanda and si Dana ang sumugod.

“And siyempre naka-posas nga ako, kaya Amanda coundn’t fight back!

Sa tsikahan pa rin namin ni Ruffa tungkol sa finale week nga ng “Love Thy Woman” na nagsimula kahapon ay makikita raw siya na nakakulong na dahil sa pagpatay kay Adam Wong (Christopher de Leon).

“Yes, in the taping, I was in my jailbird outfit. Please watch. Hahaha!

“I can’t give away the story.

“I cannot make kuwento about the finale!” dialogue pa ni Amanda este ni Ruffa!

Ang bongga!

***

Edgar Mande modelo ng mga baguhang artista

Naku, Dondon (my dear editor), naloka naman ako sa comment mo sa group chat natin nang padalhan ko kayo ng video na nasa Wing Lounge na ako ng Cathay Pacific Airways sa Hong Kong.

Akala mo kasi prank lang ang binanggit ko sa inyo na pauwi na ako ng Philippines after ng almost six months na “lockdown” sa Los Angeles, California dahil nga sa COVID-19 pandemic.

Pero, yes, I’m back!

Kaka-touch lang, Dondon, dahil hindi pumayag ang former sexy actor of the 8o’s na si Edgar Mande na mag-Uber ako papuntang Tom Bradley International Airport (LAX) at kahit maaga akong aalis ng Beverly Hills, sinundo talaga niya ako.

Actually, napaaga ng dating si Edgar, kaya nag-message siya sa akin na “Take your time, mag-wait lang ako dito sa condo.”

So touching nga ang mga dating artista like Edgar na hanggang ngayon ay matindi pa rin ang pakikisamang ginagawa para sa mga dating nakasama niya sa showbiz, huh!

Sana ‘yung mga artista ngayon na hindi marunong makisama sa entertainment press at parang hindi naa-appreciate ang nagagawa nating tulong sa kanila dahil sobra silang bilib sa social media accounts nila ay matuto sa mga nauna sa kanila sa showbiz na matindi ang pagpapahalaga sa entertainment press, ‘noh?!

Hehehe…

The post Annabelle iritada: Ruffa inutusang bugbugin si Yam first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *