Annabelle gandang-ganda sa baby ni Assunta

Gandang-ganda si Annabelle Rama kay Giulia Florentina Alessandra o Baby Fiore, ang anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma.

The post Annabelle gandang-ganda sa baby ni Assunta first appeared on Abante.

annabelle gandang ganda sa baby ni assunta - Annabelle gandang-ganda sa baby ni Assunta
Asunta - Annabelle gandang-ganda sa baby ni Assunta

Jun Lalin Anything Goes 42 4 300x200 - Annabelle gandang-ganda sa baby ni AssuntaGandang-ganda si Annabelle Rama kay Giulia Florentina Alessandra o Baby Fiore, ang anak nina Assunta de Rossi at Jules Ledesma.

“Ang ganda-ganda kasi ni Assunta at guwapo si Jules, kaya napakaganda ni Baby Fiore, ang cute. Ang tangos pa ng ilong,” ang sey ni Tita Annabelle nang makita ang picture ni Baby Fiore noong Friday.

Gusto nga sanang dalawin ni Tita Annabelle si Assunta, pero dahil nga sa COVID-19 pandemic ay imposible pa niyang magawa ‘yon sa ngayon.

Ang Gutierrez matriarch ang manager ni Assunta at isa siya sa unang pinagsabihan ng aktres na buntis na ito noong March.

Natatawa nga ako, Dondon (my dear editor), kapag naaalala ko na naglilihiman kami noong una ni Tita Annabelle tungkol sa pagbubuntis ni Assunta, pero pareho pala kaming kinuwentuhan ng aktres ng tungkol doon.

Anyway, noong una kaming padalhan ni Assunta ng picture ni Baby Fiore ay hiniling niyang huwag munang i-post ‘yon at noong gabi na, may picture uli siyang ipinadala sa akin at sabi niya, “Puwede mo nang i-post!”

Ok naman daw ang kalagayan ni Assunta at sabi pa niya, “Baka umuwi na kami ni Baby Fiore ng bahay on Sunday (today).”

CS (cesarean section) ang panganganak ni Assunta kay Baby Fiore ng 7:06am noong Friday (bale 38 weeks due to myoma uteri), pero kung kakayanin na raw niya ay puwede na raw siyang umuwi today.

Samantala, nang kumustahin ko noong Friday night si Jules ay sinabi niyang nakauwi na siya ng bahay dahil noong Thursday na dinala nila sa hospital si Assunta ay hindi na raw siya nakatulog pa sa excitement sa pagdating ni Baby Fiore.

The post Annabelle gandang-ganda sa baby ni Assunta first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *