Annabelle boto sa bagong manliligaw ni Ruffa

Si Annabelle Rama ang first caller ko noong New Year’s day.

The post Annabelle boto sa bagong manliligaw ni Ruffa first appeared on Abante.

annabelle boto sa bagong manliligaw ni ruffa - Annabelle boto sa bagong manliligaw ni Ruffa
ruffa 4 - Annabelle boto sa bagong manliligaw ni Ruffa

FINAL columnists Anything Goes Jun Lalin 2 300x180 - Annabelle boto sa bagong manliligaw ni RuffaSi Annabelle Rama ang first caller ko noong New Year’s day.

Nakailang tawag siya sa akin sa WhatsApp, pero hindi naman kami magkarinigan. Nasa Dubai, United Arab Emirates kasi ako at nakabakasyon pa.

Na-curios ako dahil paulit-ulit na tumatawag si Bisaya, nada-drop naman ang calls niya.

May ikukuwento ba si Bisaya? May kinalaman kaya ‘yon sa isa sa mga guest ni Ruffa Gutierrez sa pa-New Year’s eve dinner ng aktres sa bahay niya kung saan ay halos kumpleto ang pamilya Gutierrez (minus Raymond Gutierrez na nasa El Nido, Palawan kasama ang ilang friends including ang mag-sweethearts na Maja Salvador and Rambo Nuñez) at ilang friends?

May “scoop” ba si Bisaya sa akin? Well, it turned out na mangungumusta pala siya. How sweet! Pero excited pa naman ako, Dondon (my dear editor) dahil ang akala ko nga ay magkukuwento siya tungkol sa mga bisita ni Ruffa sa pa-dinner na ‘yon, pero wala namang masyadong kuwento ang Gutierrez matriarch tungkol doon.

Pero napansin ko lang, maganda ang mood ni Bisaya.

Bakit kaya? Dahil kaya confirmed na na wala na sa buhay ni Ruffa ‘yung isang taong ayaw na ayaw niya?

Well… well… well…

Michael Cinco maraming rebelasyon sa Abante FB

Ang saya lang, Dondon (my dear editor) dahil while on Christmas break here in Dubai, nakakapag-enjoy na ako, nagagawa ko pang makapag-interview.

Finally, nakatsikahan ko ang international fashion designer na si Michael Cinco na based dito.

Kilalang-kilala si Michael kahit sa Hollywood dahil napakarami na niyang international stars na nagawan ng gowns, suits at kung ano-ano pa.

Isa nga sa gusto kong mainterbyu for “Anything Goes” show ko for Abante News Online Facebook page si Michael at ang bongga lang dahil talagang isinama pa niya ako sa pa-dinner niya sa Saffron sa Atlantis The Palm Resorts Hotel.

Nagulat nga ako dahil big group pala kami (hiwa-hiwalay lang ng tables).

Kasama rin pala namin sa dinner na ‘yon sina Mr. Ben Chan at Miguelo Pastor ng Bench, ang kilalang events stylist na si Gideon Hermosa (fave siya ng mga kilalang celebrity at kinukuha na mag-conceptualize ng kanilang mga party, events and even weddings) at iba pa.

Anyway, abangan sa Abante News Online ang tsikahan namin ni Michael at marami siyang kuwento.

‘Katuwa nga lang na parang si Michael ang lumalabas na “face of the Filipino” dito sa Dubai dahil kilalang-kilala nga siya.

At ang mas nakatutuwa, Dondon, kahit na sobrang sikat, very down to earth at accommodating itong si Michael.

Kapag nandito nga ako sa Dubai, always, nag-i-invite si Michael na lumabas.

So nice! Malayo siya sa ibang famous personalities na maere, huh!

Raymart, Claudine maghaharap sa korte

Kahapon naman, habang nagde-deadline ako, nakatsikahan ko via WhatsApp si Atty. Ferdinand Topacio.

Nabanggit niya na papunta siya sa bahay ni Claudine Barretto. Dadalawin daw niya ang kanyang friend at client, pati na rin ang mga anak nito.

Feeling ko ay pag-uusapan nila ang tungkol sa pagpunta nila sa piskalya sa Wednesday kaugnay ng reklamo pa rin ni Claudine laban sa estranged husband na si Raymart Santiago na may kinalaman pa rin sa financial support ng aktor sa dalawang anak nila ng aktres.

So tuloy ba ‘yon?

“Yes, tuloy ‘yon. Bale 2:00PM sa Marikina at sasamahan ko si Claudine,” sabi ni Atty. Topacio.

So, magkakaayos na ba sina Claudine at Raymart kaugnay ng reklamong ‘yon?

“Sana… sana nga. Mas ok naman kung magkakaayos, para naman sa mga bata ‘yon,” sabi pa niya.

Well, sana nga, Dondon, maging maayos na ang usapan sa pagitan ng estranged couple. Actually, marami rin naman ang nagdarasal na magiging ok na ang lahat sa pagitan nina Claudine at Raymart this 2021, pagdating sa legal problems nila.

Maganda rin naman na peace sila, ‘di ba?

Well, sana nga, maging maayos na ang lahat sa Wednesday!

Biniro ko nga pala si Atty. Topacio na sa pagdalaw niya kahapon kina Claudine ay mapapatunayan niya na hindi talaga naputulan ng Meralco line nila ang bahay ng aktres, huh!

Natawa na lang si Atty. Topacio tungkol sa bagay na ‘yon.

The post Annabelle boto sa bagong manliligaw ni Ruffa first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *