Anjo Damiles itinanggi ang nude photo scandal

Pinagtawanan na lang ni Anjo Damiles ang issue na may kumalat sa social media na mga nude selfie na kuha sa loob ng banyo. Panahon daw ‘yon na nasa ABS-CBN 2 pa siya at naging dahilan daw iyon kung bakit nag-lie low muna siya sa paglabas sa TV.

anjo damiles itinanggi ang nude photo scandal - Anjo Damiles itinanggi ang nude photo scandal
anjo - Anjo Damiles itinanggi ang nude photo scandal

Pinagtawanan na lang ni Anjo Damiles ang issue na may kumalat sa social media na mga nude selfie na kuha sa loob ng banyo. Panahon daw ‘yon na nasa ABS-CBN 2 pa siya at naging dahilan daw iyon kung bakit nag-lie low muna siya sa paglabas sa TV.

Inamin ni Anjo na kahit wala raw siyang ginagawang kalaswaan sa social media, medyo naapektuhan daw siya dahil marami ang naniniwala na siya ‘yung nasa kumalat na nude selfie na kita pa ang pagkalalaki niya.

“I told them na I don’t know that. I never did that. Wala akong ginawang ganyan. Wala akong kalokohang pinaggagagawang ganyan.

“Umabot pa sa point that my manager (Jonas Gaffud) confronted me. Tinanong niya ako kung ako ba ‘yung nasa photos?

“Siyempre, sabi ko, ‘Hindi naman ako ‘yan. Ang liit naman!’” sabay tawa nang malakas ni Anjo.

Nahiya nga raw si Anjo sa kanyang pamilya noong mapagbintangan siyang may nude photos na kumalat. Napaka-religious pa naman daw ng parents niya.

“Never kong gagawin ang kunan ang sarili ko ng hubo’t hubad. Lalo na ‘yung ipapakita ko iyon.

“Kinumpronta rin ako ng family ko. Parang nakakahiya nga, eh. Sinabi ko na kilala naman nila ako. Tsaka alam naman nila na hindi gano’n ang hitsura ng banyo ko,” tawa pa ulit ni Anjo na kasama sa “Madrasta” bilang two-timing boyfriend ni Arra San Agustin. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *