Angelu binago ng Diyos

Aminado si Angelu de Leon sa malaking transformation niya simula nang maging Born Again Christian siya mahigit isang dekada na.

The post Angelu binago ng Diyos first appeared on Abante.

angelu binago ng diyos - Angelu binago ng Diyos
angelu - Angelu binago ng Diyos

Aminado si Angelu de Leon sa malaking transformation niya simula nang maging Born Again Christian siya mahigit isang dekada na.

Open book naman sa publiko ang buhay ni Angelu mula pagkabata, lalo na ang mga naging relationship. Kung paano, at 18 ay nabuntis siya. Nasundan pa ng isa with a different father naman. Naranasan din niya ang mga gimik at mga bisyo.

Sabi ni Angelu, “Hindi siya overnight change. Maraming struggle kasi, nang tanggapin ko siya, ang meron pa lang ako, key to eternal life.”

Nang maging Christian, na ayon nga sa actress, grace ng God na napagtagumpayan niya na mag-practice ng celibacy at kung may natitirang puri pa raw siya, gusto niyang itama na ito para sa dalawang anak niyang babae na hindi matulad sa nangyari sa kanya.

Nagawa rin niyang tanggalin ang ilang bisyo tulad ng paninigarilyo.

Pareho na ngang nasa kolehiyo ang dalawang dalaga niya at sey niya, “Thank God, ibang-iba. Lagpas na sila do’n sa age na nangyari sa akin. At nakakatuwa dahil sila mismo, may mga discipleship.”

Hangga’t kaya ni Angelu, at magagamit siya ni Lord, nagbabahagi ito at nagdi-disciple. Kasabay ng ika-112th anniversary ng Tortugas U.M.C. ay napakaraming na-blessed at na-inspire sa buhay ni Angelu. Na yung pagiging artista niya ay mas marami siyang nai-influence positively. (Rose Garcia)

The post Angelu binago ng Diyos first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *