Angelina Jolie humanga sa pak na outfit ni Boy Abunda

The perfect moment has come! Magsasanib-puwersa ang lima sa mga malalaking personalidad sa Kapamilya network.

angelina jolie humanga sa pak na outfit ni boy abunda - Angelina Jolie humanga sa pak na outfit ni Boy Abunda
the moment - Angelina Jolie humanga sa pak na outfit ni Boy Abunda

The perfect moment has come! Magsasanib-puwersa ang lima sa mga malalaking personalidad sa Kapamilya network.

Kabilang na judge sa bagong programa na “Your Moment” sina Boy Abunda, Nadine Lustre at Billy Crawford at magiging host naman si Luis Manzano kasama si Vhong Navarro.

Hindi nga lang naka-attend sa naturang kaganapan si Vhong dahil kasabay iyon ng ika-10 anniversary celebration ng “It’s Showtime” na ginanap naman sa Resorts World Manila.

Samantala, all smiles na dumating sa red carpet sina Nadine, Tito Boy, Billy and Luis sa Dolphy Theatre noong Lunes para sa Grand Press Con ng “Your Moment”.

Kuwento ni Nadine, marami siyang natutunan sa experience niya habang nagja-judge sa “Your Moment”. Mas pinili pa nga raw niyang humingi ng tips kina Tito Boy and Billy pagdating sa pagja-judge imbes na kay James siya magtanong dahil maski si James ay sa kanya humingi ng payo sa pagja-judge noong panahon na judge pa ito sa “Idol Philippines”.

Kapansin-pansin din ang pagbabago ng kilos ni Nadine sa gabing iyon dahil mas nag-loosen up na nga siya na ayon sa kanya ay dulot ng experience niya sa judging sa “Your Moment”.

Tungkol naman sa judging and hosting ni Billy, talaga raw inalok kay Billy ang pag-judge kaysa sa hosting kahit si Luis ang napiling host dito knowing na maganda ang kanilang tandem sa hosting lalo nang magsama sila sa “Pilipinas Got Talent” noon.

Para naman kay Luis, parehas niyang na-enjoy ang company ni Vhong at Billy sa pagho-host pero na-miss din niyang makasama mag-host ang kaibigang si Billy.

Sa ibang usapan naman, tinanong si Tito Boy kung kumusta ang encounter nito sa Hollywood star na si Angelina Jolie, sinabi niyang nagmarka kay Angelina ang mga pak na outfit niya at marami siyang natutunan sa aktres especially ‘yung mga adbokasiya ng aktres pagdating sa mga refugees. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *