Angelina Jolie ‘di kinaya ang ‘power’ ni Boy Abunda

Nagawang mapaantig ni Boy Abunda ang damdamin ng Hollywood actress na si Angelina Jolie nang makapanayam niya ito kamakailan para sa promotion ng pelikula nitong “Maleficent: Mistress of Evil”.

angelina jolie di kinaya ang power ni boy abunda - Angelina Jolie ‘di kinaya ang ‘power’ ni Boy Abunda
angelina - Angelina Jolie ‘di kinaya ang ‘power’ ni Boy Abunda

Nagawang mapaantig ni Boy Abunda ang damdamin ng Hollywood actress na si Angelina Jolie nang makapanayam niya ito kamakailan para sa promotion ng pelikula nitong “Maleficent: Mistress of Evil”.

Kilala si Kuya Boy sa kanyang mga magagandang tanong na nagpapa-open up sa mga celebrity na nakakapanayam niya. Lalo na kapag ang tanong ay personal na ang dating.

Ang mga Hollywood star naman, kapag nagpapa-interview sila sa isang press junket, ang tanging pinag-uusapan lang ay ang pelikula at pinagbabawalan silang magtanong ng kahit na anong personal na bagay. Pero nagawan ito ng paraan ni Kuya Boy at hindi papayag itong hindi matanong si Angelina tungkol sa love at sa naging failed relationship nito sa estranged husband na si Brad Pitt.

Naihirit ni Kuya Boy ang question na why love always comes with pain?

Sagot ni Angelina: “I think when love is right, it’s a good kind of pain. It’s a pain where your heart is stretching. The greater the love, the greater the loss.”

Naging follow-up question ni Kuya Boy ay: “Love doesn’t always end well. Why, Ms. Jolie?”

Nag-pause si Angelina nang ilang seconds dahil mukhang nagulat siya sa follow-up question na iyon. Pero sinagot naman ito ng aktres.

“Just take a minute for that one. It doesn’t always end well because maybe one kind of love is mistaken for another.”

Nakatanggap ng maraming congratulations si Kuya Boy mula sa netizens na nakapanood ng interview niya with Angelina. Obvious daw na iniiwasan ng aktres na matanong siya about anything personal sa buhay niya, pero hindi kinaya ng powers ni Maleficent ang mas malakas na power ni Boy Abunda. (Ruel Mendoza)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *