Angelica super talak, galit na galit sa airline

Hindi napigilan ang Kapamilya actress na si Angelica­ Panganiban na mapikon sa isang airline (na hindi niya pinangalanan) dahil sa hindi magandang serbisyo nito sa kanilang mga customer.

The post Angelica super talak, galit na galit sa airline appeared first on Abante News Online.

angelica super talak galit na galit sa airline - Angelica super talak, galit na galit sa airline
Abante 2019 Angelica Panganiban 1 - Angelica super talak, galit na galit sa airline

Hindi napigilan ang Kapamilya actress na si Angelica­ Panganiban na mapikon sa isang airline (na hindi niya pinangalanan) dahil sa hindi magandang serbisyo nito sa kanilang mga customer.

Dag­dag pa rito ang pagkapikon ng aktres sa security guard na naging dahilan kung bakit siya hindi umabot sa kanyang flight.

“Hindi ako uma­bot sa flight!!!! work hard pa more!!!” talak pa ni Angelica.

“Kung makapang-iwan kayo ng pasahero… tawang tawa pa kayo. pero pag kayo ang hindi on time… kahit libreng tubig hindi niyo kami mabigyan.

“Kapag nag reklamo kami, kami pa ang masama at pag-uusapan. Hanep!

“Kailangan pala 3 hours ma delay yung flight para painumin ka nila ng free water. Sana nag bus na lang ako.

“Low cost airline daw sila. So, low cost din ang services. Yan ang sinabi sa amin ng flight attendant.

“Kanina nga sa airport, tinanong namin yung guard kung nasan ang VIP lounge, pinalabas niya kami. So inulit namin yung security check. Katabi lang pala niya yung lounge. Nung tinanong ko siya anong trip niya, sabi lang ‘sorry po.’”

Hindi pinangalanan ni Angeli­ca ang naturang airline na nagdala sa kanya ng perwisyo. (Ruel Mendoza)

The post Angelica super talak, galit na galit sa airline appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *