Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe

Yung pagsasama ba nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa lock in taping ng kanilang serye ang dahilan kung bakit sila nali-link ngayon?

The post Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe first appeared on Abante.

angelica nasarapan sa nguso ni zanjoe - Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe
ange zanjoe - Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe‘Yung pagsasama ba nina Angelica Panganiban at Zanjoe Marudo sa lock in taping ng kanilang serye ang dahilan kung bakit sila nali-link ngayon?

O dahil sa mga hint na hirit ng mga kaibigan niya na may special someone ang actress sa online birthday show nito?

Naging madali na isiping si Zanjoe ang bagong boyfriend ni Angelica dahil sa closeness nila, pero posible rin ang naging pahayag ni Angelica na sa mga naging leading men niya, si Zanjoe raw ang pinaka-favorite niya.

Aniya, “Favorite kong leading man, madali lang ‘yan, si nguso, si Zanjoe. Gustong-gusto ko ‘yung rapport naming dalawa. Mapa-comedy, ngayon nasubukan ko siya sa drama.

“Masarap kasi kapag kaibigang-kaibigan mo ang katrabaho mo, wala talagang ilangan.”

At aware na nga si Angelica na si Zanjoe ang hinihinalang bagong boyfriend niya. Kaya naman sinakyan nito at humirit din.

Sa pamamagitan ng kanyang IG stories, pinost ni Angelica ang picture ni Zanjoe habang nasa loob ng sasakyan with caption na, “sinalubong ako ng rumored boyfriend ko.” Kasunod ang mga laugh emojis.

Kayo na ang humusga kung romantic o purely friendship lang naman ang dalawa.

Jennica Garcia bayani ng bagyo

Hindi lang ang mag-asawang Jericho Rosales at Kim Jones ang matatawag na “Ulysses Heroes,” ang anak ni Jean Garcia na si Jennica Garcia ay talagang in action sa tuwing may nangyayaring sakuna o agarang tulong.

Since naging Born-Again Christian si Jennica, nag-iba na talaga ang mindset at priorities niya. Yung pag-aartista siguro, baka least of her priorities na. Kaya ang daming humahanga sa Misis na ito ni Alwyn Uytingco.

Si Jennica ay bahagi ng isang rescue team, ang Alliance Search and Rescue at isa ito sa lumusong sa baha para makapag-rescue. Ipinost nga niya ang na-rescue nila na isang wala ng buhay na katawan ng babae. Homeless daw na nakita nilang nalunod na sa Dona Petra, Tumana, Marikina.

Iba ang tapang at dedikasyon ni Jennica pagkakawanggawa. Hindi lang baha, may pandemic pa rin na matapang nitong hinarap kahit alam niyang isa rin siyang nanay na may dalawang batang anak na uuwian.

At ngayon ngayong ang Isabela at Cagayan naman ang may matinding pangangailangan na ma-rescue, nakiusap si Jennica sa gobyerno.

“Pag humupa na ang tubig, maaaring maigi itong upuan ng ating gobyerno para makapag-isip at makapaglatag ng kinakailangang aksyon ng sa ganon ay hindi na maulit pang muli sa pamamagitan ng logistics at proper planning para sa Cagayan Valley.”

‘The Clash’ matindi bakbakan

Nasa huling round ng bakbakan na ang mga contestant ng The Clash ng GMA Network. Magkapares na ang maglalaban sa The Clash at ramdam ang intense ng labanan.

Base sa mga comment ng netizen, tila mas marami ngayon ang tutok sa The Clash and this early, lumulutang na rin ang mga bet nila na maiwan at lumaban hanggang finals.

Sa isang banda, ilang linggo na rin na hindi napapanood ang isa sa mga The Clash Panel na si Lani Misalucha. Posible kayang ang humalili muna rito na si Pops Fernandez na ang makasama nina Ai-Ai delas Alas at Christian Bautista hanggang sa huli?

The post Angelica nasarapan sa ‘nguso’ ni Zanjoe first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *