Angelica nanakawan ng 500K

Halos kalaha­ting milyong piso (kulang-kulang P500K) ang tinatayang nanakaw kay Angelica Panganiban, ha!

angelica nanakawan ng 500k - Angelica nanakawan ng 500K
ABANTE ange 1 - Angelica nanakawan ng 500K

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Angelica nanakawan ng 500KHalos kalaha­ting milyong piso (kulang-kulang P500K) ang tinatayang nanakaw kay Angelica Panganiban, ha!

Nag-tweet ang Kapamilya actress para ipaalam na may gumamit ng kanyang credit card sa Pampanga.

“May gumagamit ng credit card ko sa Pampanga. Malapit na siya umabot sa 500k. Wala magawa mga tao. Bat ‘di kyo mag-ipon para sa sarili nyo? Bakit kayo magnanakaw?”

Pinoste ni Angelica ang sentim­yento niya nu’ng August 8 (Huwebes, 10:54 pm). Hindi na nagkuwento pa ang aktres sa kung paano nagamit ang kanyang credit card.

Pero nagbigay naman agad ng kani-kanilang opinyon ang kanyang mga follower at sinabing ipaputol agad nito ang koneksyon ng credit card para hindi na ito magamit pa. Puwede rin namang ma-trace kung sino ang gumagamit ng kanyang credit card.

Habang sinusulat ang item na ito, wala pang update si Angelica sa estado ng kanyang credit card at sa kung sino ang gumagamit nito.

Madalas mabiktima ng ganito ang mga artista, ha! Matatandaang nanakawan ang isa sa mga anak ni Nadia Montenegro na si Yna Asistio, na nasungkitan sa ATM ng P300K ilang taon na ang nakakaraan.

Kasagsagan ng baha sa Pasig nu’ng madiskubre nito ang nawawalang pera.

Julie Anne pang-Hollywood ang kaseksihan

Siguradong titiklop ang mga Kapuso sexy star sa bagong pasilip ni Julie Anne San Jose ng kanyang alindog. Nakakawindang ang ka­seksihan ni Julie Anne sa pinoste nitong bikini photo sa Instagram.

Nakaupo sa gilid ng pool ang dalaga suot ang isang two-piece bikini suit.
Side view ang pagkakakuha sa actress-singer na nagpalitaw ng body form nito. Mataas ang cut ng bikini bottom ni Julie Anne kaya lumantad ang magandang hubog ng kanyang balakang at gilid ng kanyang puwet.

Mistulang Hollywood star sa larawang ito si Julie dulot na rin ng napa­kaganda niyang mukha.

Palaban sa paangasan ng alindog ang dalaga na kahit sinong kapwa niya Kapuso female star ay makakaramdam ng kaba sa posibleng paglampaso ni Julie Anne sa kanilang kaseksihan.

Kumbaga, kabogera ang sex appeal ng aktres!

Mula nang masaktan si Julie Anne sa breakup nila ni Benjamin Alves, hindi na naawat pa ang singer/aktres na maghasik ng kanyang ganda at wankata sa social media.

Parang ipinamumukha nito sa dating kasintahan na manghinayang ito sa pinakawalan niyang diyosa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *