Angelica nakipag-date sa bading

Nakita ko si Angelica Panganiban sa Power Plant Mall noong Wednesday night.

The post Angelica nakipag-date sa bading appeared first on Abante News Online.

angelica nakipag date sa bading - Angelica nakipag-date sa bading
angelica p - Angelica nakipag-date sa bading

abante anything goes jun lalin 336x224 - Angelica nakipag-date sa badingNakita ko si Angelica Panganiban sa Power Plant Mall noong Wednesday night.

Mukhang hindi naman “date night” ‘yon para sa Kapamilya actress dahil parang puro beki naman ang kasama niya.

Very casual lang ang ayos ni Angelica, pero very beautiful ang dating niya.

Mukhang nagmamadali nga pala si Angelica nang makita ko.

Mga alahas na suot ni Ruffa bantay-sarado ni Annablle

Sa Mega Equality Ball noong isang gabi sa Sofitel Hotel ay nagkita ulit sina Richard Gutierrez at Miss Universe 2018 Catriona Gray.

Nagkita sila noong Sunday sa Binibining Pilipinas 2019 Grand Coronation Night sa Araneta Coliseum.

Kung matatandaan, si Richard din ang nag-host (with Pia Wurtzbach) last year ng nasabing beauty pageant kung saan si Catriona ang tinanghal na Binibi-ning Pilipinas-Universe 2018.

Nang sumali si Catriona at naging Miss World Philippines, si Richard din ang nag-host.

Sa post ni Richard sa kanyang Instagram account (@richardgutz) ay inilagay niya sa caption ng picture nila ni Catriona ang, “I was there full circle.

It’s an honor witnessing her reign,” at tinag si Catriona pati ang lovey-dovey niyang si Sarah Lahbati.

Anyway, kasama rin ni Richard si Sarah sa ball na pinuntahan kung saan ay nakasama rin nila sina Ruffa at Raymond Gutierrez.

Nakita rin sa Sofitel Hotel ang nanay nilang si Annabelle Rama, pero hindi ito nag-join sa event ng Mega.

Nandoroon daw siya dahil inabangan niya si Ruffa at kinuha niya ang mga alahas niya na hindi na ginamit ng anak sa event na ‘yon.

Mahirap na raw at baka mawala pa ni Ruffa.

Lovi Poe ‘best dressed’ sa Equality Ball

Nakita rin sa nasabing event si Lovi Poe.

Ang Mega Equality Ball ang unang public appea-rance ni Lovi pagkatapos bumalik sa bansa mula sa Los Angeles, California.

In fairness, ang sexy pa rin ni Lovi.

Si Lovi rin ang nag-top sa Top Ten Best Dressed celebrities na um-attend doon.

Kahit kasi nagbakasyon nang matagal sa L.A. at panay ang post ng mga restaurant na kinainan niya doon (pati sa New York), panay rin naman ang exercise ni Lovi.

Hindi siya nagpabaya, kaya parang mas lalo pa siyang sumeksi, ‘noh?!

Lolit dadalo sa kasal nina Jolo, Angelica sa US

Tama ba ang nari-nig ko na isasama raw ni Jolo Revilla sa Amerika si Manay Lolit Solis para sa kasal nila ng fiancé niyang si Angelica Alita?
Wow, ang bongga!

Si Manay Lolit ang number one supporter ng Revilla family, kaya dapat lang na isa siya sa mag-witness sa kasal ni Jolo na para na niyang apo dahil anak ang turing niya sa tatay nito na si Senator-elect Bong Revilla!

The post Angelica nakipag-date sa bading appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *