Angelica nagpasaway sa Rome, sinita ng mga pulis

Ay, super enjoy si Angelica Panganiban ngayon sa pagrampa sa Roma, ha! At sobrang kaligayahan niya, parang nakalimutan niya na may mga bagay na ipinagbabawal gawin para sa mga turista.

angelica nagpasaway sa rome sinita ng mga pulis - Angelica nagpasaway sa Rome, sinita ng mga pulis
angelica 8 - Angelica nagpasaway sa Rome, sinita ng mga pulis

Ay, super enjoy si Angelica Panganiban ngayon sa pagrampa sa Roma, ha! At sobrang kaligayahan niya, parang nakalimutan niya na may mga bagay na ipinagbabawal gawin para sa mga turista.

Heto nga ang chika ni Angelica:

“For almost 28 years, I have been in front of the audience. Naramdaman ko pano mahusgahan. Paano panoorin ang bawat galaw mo. Paano, magsalita, lumaban, para sa sarili mo.

“Sa pag-upo ko sa Spanish steps… nahusgahan ako… bawal pala umupo dito. Sorry na po mga pulis — atleast, nakaisa.”

Oh, ‘di ba? Pero ‘yun nga, sita lang, huli lang, pero walang kulong. Kaya ang mga kaibigan niya, tawa nang tawa sa chika niya.

“Hahahahahahaa sana bigla kang umacting na naglalampaso kunyari nak ng hagdan hahahhahaa tah ka!! Ingat and enjoy nak love you @iamangelicap,” reaksiyon ni Angelica.

Sabi ni engr.novalugz12, “Last year po pwede naman. Nagandahan lang sayo idol yung pulis. Hihi!”

At sa last IG post niya, abot-tenga na naman ang smile ni Angelica, at super kaaliw na naman ang caption niya, ha!

“Nagpa-picture ako sa Colosseo, siguro naka-move on na talaga ko. Hindi ko na siya ipapabugbog. Pero may naisip akong burgis… Hi Anthony! Nasa isip ka ni Mace 🙂 #RomeRomeRomeYourBoat #ThatThingCalledTadhana.”

Oh, well… (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *