Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa Boracay

Kaya malakas ang loob ni Angelica Panganiban na magbigay ng pahayag na mananatili siyang isang Kapamilya at sa ABS-CBN lang siya– ito ay sa kabila ng sa ngayon, allowed na rin naman ang mga Kapamilya artist na lumabas sa ibang network, tulad ng TV5.

The post Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa Boracay first appeared on Abante.

angelica john itsa puwera naiyak sunday kada ng singko nagti taping sa boracay - Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa Boracay
abante panganiban - Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa Boracay

Rose Garcia Ansabeh 14 300x157 - Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa BoracayKaya malakas ang loob ni Angelica Panganiban na magbigay ng pahayag na mananatili siyang isang Kapamilya at sa ABS-CBN lang siya– ito ay sa kabila ng sa ngayon, allowed na rin naman ang mga Kapamilya artist na lumabas sa ibang network, tulad ng TV5.

Obvious naman ang dahilan dahil kahit wala na nga, naka-shutdown ang ABS-CBN, pero si Angelica, tahasan nitong sinabi na hindi siya aalis sa network.

Kung totoo ang nakarating sa amin, hindi raw makakaalis talaga si Angelica, same goes sa malapit niyang kaibigan na si John Prats dahil kapipirma lang daw ng kontrata ng mga ito?

Ang kanilang comedy/gag show na Banana Sundae at sa pagkakakilala namin kay Angelica kung gaano niya kamahal ang show na ito, as in, sobra-sobrang mahal na sa interview nga namin dati sa kanya, kaya niyang i-give-up lahat ng shows niya, hindi ang Banana Sundae.

Balitang nagte-taping na ito ngayon at sa Boracay raw ang location ng pilot episode ng Sunday Kada, Kada Sunday. Same team pa rin with Direk Edgar Mortiz. At hindi kasama sina Angelica at John sa mapapanood sa TV5.

Nag-post nga ng video si John sa kanyang Instagram account at emotional na caption ng pamamaalam hango sa lyrics ng kanta ni Sarah Geronimo…

“Tila ako’y nakalutang na sa langit. Ngunit nalulunod sa ‘yong mga ngiti. At kung hanggang dito lang talaga tayo, hindi pababayaan ang daang tinahak na kapiling ka. At kung umabot tayo hanggang dulo, kapit lang ng mahigpit. Aabutin natin ang mga tala. Tala, tala, tala.”

At saka niya sinunod ang “Mahal na mahal ko ang @BananaSundaeOfficial.”

Nag-react si Angelica sa post ni John nang, “Bakit mo to ginawa? Bakit nagpapaiyak ka? Bakit?”

Ang isa sa cast na napapabalitang kasama sa paglipat sa TV5 na si Jayson Gainza ay nag-comment din na, “Miss u bro. Magsasamasama ulit tayo.”

Luis, Edu ayaw pakawalan ng Viva?

Bukod kina Angelica at John, balitang hindi rin daw makakalipat ang mag-amang Edu Manzano at Luis Manzano.

Sina Luis at Edu ay parehong talent ni June Rufino. At si June Rufino ay konektado sa Viva Vilms.

Kumbaga, walang kinalaman ang ABS-CBN, o Star Magic sa mga kontrata nila. Hindi lang ako sure kung bakit nga hindi natuloy si Luis sa dapat sana ay show raw nila ni Billy Crawford sa TV5.

Well, ang alam ko ay palalakasin ng Viva ang kanilang online, at malamang na doon ilagay sina Edu at Luis, ha! Baka lang naman!

Baka ayaw silang pakawalan ng Viva? Ask ko nga kay Tita June.

The post Angelica, John itsa-puwera, naiyak: ‘Sunday Kada’ ng Singko nagti-taping sa Boracay first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *