Angelica, John iniyakan ni Jason

Hindi napigilan ni Jason Gainza na maging emosyonal nang tanungin namin ito sa naging virtual presscon ng Sunday Kada.

The post Angelica, John iniyakan ni Jason first appeared on Abante.

angelica john iniyakan ni jason - Angelica, John iniyakan ni Jason
dami puta - Angelica, John iniyakan ni Jason

rose 7 300x156 - Angelica, John iniyakan ni JasonHindi napigilan ni Jason Gainza na maging emosyonal nang tanungin namin ito sa naging virtual presscon ng Sunday Kada.

Ang Sunday Kada ang bagong programa ng TV5 na prodyus ni former Congressman Albee Benitez ng Brightlight Productions as blocktimer sa TV5. Ito rin ang longtime gag show ng ABS-CBN na Banana Sundae kaya ang staff (mula sa director, ang mag-amang Edgar at Frasco Mortiz) at cast ay sila pa rin.

Except sa dalawang orihinal at talagang sobrang mahal ang show na sina John Prats at Angelica Panganiban na nagpaiwan sa ABS-CBN.

Nang tanungin nga namin ang cast kung ano ang pakiramdam na hindi na nila kasama ang dalawa, si Jason ang sumagot na hindi napigilang maluha.

“Alam niyo naman talaga, gusto namin na buo pa rin ang Banana Sundae. Kaso lang, parang kanta. Pinagtagpo pero hindi itinadhana.

“Malungkot din sila dahil gusto nga nila, buo pa rin kami. Pero masaya rin sila dahil meron na kaming bagong trabaho at bilang kami at mga staff din, yung trabahong yun, imagine niyo, ilang months kami na walang trabaho. Six or seven months.

“Maraming salamat kay Direk B, kay Cong. Albee na binigyan kami ng oras, binigyan kami ng trabaho at heto na, nabuo na yung isang gag show na makakapagpasaya. At sa panahon ngayon, ‘yun din ang kailangan natin, ang makakapagbigay ng saya.”

Alden ‘Pandemya King’

Puwedeng alalahanin ng Asia’s Multimedia Star na si Alden Richards ang taong 2020 na sa kabila ng pandemya, nagawa niyang maka-survive at siguro, wala namang magko-contest na isa nga siya sa pinaka-in-demand at magtagumpay na artista kahit na sa panahong ito.

Noong October 10 na lang, although hindi naman personal na nakarating, through his video ay nagpasalamat si Alden sa panalo niya bilang “Pinakapasadong Aktor” para sa naging performance niya sa 2019 blockbuster film “Hello, Love, Goodbye.”

“Isang malaking karangalan po na nabigyan ako ng award mula po sa inyong samahan. Nagpapasalamat po ako. Here’s to more projects po and more experiences to come para sa ating lahat,” sabi niya.

At sa gitna nga ng pandemic, tuloy-tuloy lang si Alden kanyang mga TV project kabilang na ang ‘All-Out Sundays’ at ‘Eat Bulaga!’ as well as several endorsements. Katatapos lang din niya ang “I Can See You” with Jasmine Curtis-Smith.

At ang inaabangan na ng mga fan niya, ang pagdiriwang pa rin ni Alden ng kanyang ika- 10th anniversary in showbiz sa pamamagitan ng concert na ‘Alden’s Reality.’ Ngayong December 8.

Oh, di ba, parang puwedena siyang tawaging ‘Pandemya King’ na hindi talaga nawalan ng trabaho sa panahon ng pandemic.

The post Angelica, John iniyakan ni Jason first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *