Angelica, Cholo ‘relasyon’ lilikha ng malaking gulo

Guess What? Tila may bagong bumubuhay sa puso ng aktres na si Angelica Panganiban ngayon!

angelica cholo relasyon lilikha ng malaking gulo - Angelica, Cholo ‘relasyon’ lilikha ng malaking gulo
angelica 5 - Angelica, Cholo ‘relasyon’ lilikha ng malaking gulo

Guess What? Tila may bagong bumubuhay sa puso ng aktres na si Angelica Panganiban ngayon!

Kamakailan lamang ay tinanong ang aktres kung may something na ba sa kanila ng kaibigang si Cholo Baretto, ang sabi nito ay wala siyang time para sa love. Ito’y matapos makita sa kanyang Instagram ang ilang sweet instagram post nila together.

Pero ngayon, muling may post si Angelica na tila may kinalaman na sa kanyang love life which is itinanggi nga kamakailan na may oras siya para rito.

Nag-post nga ang aktres lately kung saan kasama niya ang kanyang tinatawag na ‘Baby Pudding’, at may nakasunod pang “Now, It’s out.”

Anyway, bago pa nga ang naturang post ay mayroon din siyang story sa Instagram na tila karugtong ng post niyang iyon.

May LCD banner na nakalagay ‘Yes’ sa tanong galing kay Baretto habang sila ay puma-party kasama ang ilan sa kanilang mga kaibigan, at may kasunod rin na sinabi ng aktres na ‘magkakagulo ang mundo.’

Samantala, matatandaang bandang Hunyo ngayong taon nang pag-usapan ng mga fan na nakahanap na umano ng ‘The One’ ang aktres nang pumunta ito sa Siargao kasama si Barretto.

Pero tinawanan lamang ito ng aktres noon nang tanungin kung may namamagitan ba sa kanila, sinabing lagi na lamang nilalagyan ng malisya ang mga bagay na kanyang ginagawa. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *