Angelica binira ng mga DDS sa pagwalwal

Mas lalong titibay ang akusasyon ng mga DDS na “lasenggera” si Angelica Panganiban sa video post ni Pocholo Barretto sa kanyang Instagram.

The post Angelica binira ng mga DDS sa pagwalwal first appeared on Abante.

angelica binira ng mga dds sa pagwalwal - Angelica binira ng mga DDS sa pagwalwal
yap 2 - Angelica binira ng mga DDS sa pagwalwal

Mas lalong titibay ang akusasyon ng mga DDS na “lasenggera” si Angelica Panganiban sa video post ni Pocholo Barretto sa kanyang Instagram.

Nang patutsadahan kasi ng aktres sa tweet si President Duterte na tutulog-tulog lang at walang ginagawa noong kasagsagan ng bagyong Rolly, kinuyog at tinawag na manginginom si Angelica ng mga DDS.

Sa pinosteng video ni Pocholo bilang pagbati nito sa nakaraang birthday celebration ng aktres, makikita sa ayos ng aktres na tila lasing na lasing ito sa itsura at pananalita habang aliw na aliw ito sa kumpol ng mga tinapay at isang kandila na ibinigay sa kanya para ihipan.

Nakaupo ang aktres sa bangkito at gumegewang na ang balanse nito sa tila kalasingan nito.

Isa lang ito sa video compilation ni Angelica na kuha sa nagdaan niyang birthday celebration. May iba pang video na nagpapakita ng pagwawalwal ng aktres.

Pero siyempre, kaarawan naman ni Angelica at karapatan nitong magsaya sa anumang paraan na gusto nya.

“Dear pudding sa dame ng birthday mo last year sana maniwala pa sila saken na birthday mo talaga ngayon! Happy happy birthday! Nagmamahal, kakampi mo sa tama o mali,” mensahe ni Pocholo kay Angelica. (Rey Pumaloy)

The post Angelica binira ng mga DDS sa pagwalwal first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *