Angelica, Bela aminadong tigang, tuyot

Para ngang si Dr. Love si Angelica Panganiban sa bagong online talk show niyang “Ask Angelica” dahil usapang love sa panahon ng pandemic ang una niyang tema sa first episode nito, kung saan nakasama niya ang kanyang real life BFFs na sina Kim Chiu at Bela Padilla.

The post Angelica, Bela aminadong tigang, tuyot first appeared on Abante.

angelica bela aminadong tigang tuyot - Angelica, Bela aminadong tigang, tuyot
Angelica at Bela - Angelica, Bela aminadong tigang, tuyot

Para ngang si Dr. Love si Angelica Panganiban sa bagong online talk show niyang “Ask Angelica” dahil usapang love sa panahon ng pandemic ang una niyang tema sa first episode nito, kung saan nakasama niya ang kanyang real life BFFs na sina Kim Chiu at Bela Padilla.

Napag-usapan nga nilang tatlo na marami ang nakakaranas ng “tagtuyot” sa love life nila ngayon, at walang kaabog-abog na inamin ni Bela na nakaka-relate siya rito dahil sinabayan pa ito ng lockdown.

Sabay naman itong tinawanan ng mga magkakaibigan pero naging sentimental din ang chikahan dahil sinabi ni Angelica na hindi naman daw kailangang maging malungkot kapag “tagtuyot.”

Sa katunayan, nalagpasan daw niya ang maging single ng tatlong taon dahil nasa buhay niya sina Kim at Bela. Ito raw ang kahalagahan ng mga kaibigan sa buhay mo.

“You are loved. You are so loved. Kailangan mong malaman at maintindihan na maraming nagmamahal sa ‘yo, hindi lang isang tao. Ibabase mo ang paniniwala mo dahil sa pagkatao mo at dun ka tatayo,” sabi pa ni Angelica.

Komportable si Angge bilang host at tila “girl talk” lang ang nangyari sa programa kung saan puno ng saya at kulitan ang kwentuhan na may kani-kanilang palitan ng payo sa isa’t isa.

Kung kailangan mo rin ng advice o gusto mo lang ng kausap, panoorin o pakinggan ang “Ask Angelica” sa Star Cinema at Black Sheep Facebook at YouTube. Meron din ito sa Spotify. (Dondon Sermino)

The post Angelica, Bela aminadong tigang, tuyot first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *