Angelica baliw-baliwan, super walwal sa Italy

Marami ang naaliw, pero marami rin ang ramdam ang kalungkutan ni Angelica Panganiban, na kasalukuyan pa ring nasa Italy para mamasyal, magpakaligaya, kasama ang ilang kaibigan.

angelica baliw baliwan super walwal sa italy - Angelica baliw-baliwan, super walwal sa Italy
angelica 9 - Angelica baliw-baliwan, super walwal sa Italy

Dondon Sermino Paistaran 38 336x224 - Angelica baliw-baliwan, super walwal sa ItalyMarami ang naaliw, pero marami rin ang ramdam ang kalungkutan ni Angelica Panganiban, na kasalukuyan pa ring nasa Italy para mamasyal, magpakaligaya, kasama ang ilang kaibigan.

Sa isang video na pinost niya ay buong ningning siyang kumanta ng “My Heart Will Go On” in Italian version. Kung waley ka knowing sa lengguwahe ng mga Italyano, iisipin mong ang husay-husay ni Angelica, ha! Na parang ilang araw pa lang siya sa Italy, pero parang perfect na agad ang paandar niya.

Pero siyempre, lahat ‘yon ay idinaan niya sa pagkokomedya.

Pero ‘yun nga lang, kapansin-pansin din ang parang todo-todong pagwawalwal ni Angelica, na magbi-birthday nga sa Nov. 04, at 33 years old na siya, ha! At kung paalis na siya ng Italy pabalik ng Pilipinas, baka abutan pa siya ng birthday niya sa ere, o baka sa Italy na rin talaga siya mag-celebrate, since birthday gift naman yata niya ‘yon, ang mag-travel, sa sarili niya.

“Paki tag yung friend mong dunung-dunungan agad agad pag dating sa bansang natuntungan. #SocialClimberAko,” caption ni Angelica sa video na super sing siya while drinking.

Pero sa isang photo naman na pinost niya, ang caption lang niya ay, “Happy Halloween .. I’m coming in as myself. #HorrorStorySoon. #KabahanKaNa.”

At sari-sari ngang reaksyon ang mababasa mo sa IG niya.

Sabi ni its_belg: “Mas naho-horror po ako at kinakabahan kapag nababalitaan kong nali-link ka sa ibang guy?! Feeling ko kase sasaktan ka na naman nila.”

Sey naman ni jeanell13: “She looks so sad.”

At sagot naman ni Angelica: “I don’t need tissue! Please stop judging meee!!!”

Pero, hirit naman ng mas maraming fan, ang mas stronger na Angelica ang nakikita nila ngayon, lalo na sa pagbabalik nito sa Pilipinas.

Well, 33 na nga si Angelica, at ilang taon na lang, kailangan na talaga niyang mag-asawa, lalo na at kung gusto niyang habulin ang pagkakaroon ng anak, na tulad nina Judy Ann Santos, Marian Rivera, na bago mag-33 ay nag-asawa na para hindi mahirapan sa pagbubuntis.

Well, birthday wish namin kay Angelica, na sana ay matupad ang nilalaman ng puso niya.

Mga guro pinarangalan ng mga negosyante, artista

Pahabol na kuwento sa mga guro. Well, lahat tayo, ke mayaman, mahirap, sikat o ordinary lang, may kanya-kanya tayong kuwento tungkol sa mga guro.

At nu’ng World Teachers Day nga, kanya-kanyang paandar ang lahat para mabigyan sila ng kaligayahan.

Tulad na lang ni Lea Salonga na nagsabi na: “I have two absolute favorite teachers: my first grade teacher, Mary Tabaquero, and my London singing teacher, Mary Hammond.”

At ganu’n din si Manila Mayor Isko Moreno: “My favorite was Mrs. Laceste, my grade 2 teacher at Rosauro Almario Elemtary School in Tondo. She gave me first honor medal.”

Maging si Oprah Winfrey, in one of her interviews has said, “I know I wouldn’t be where I am today without my fourth grade teacher, Mrs. Mary Duncan.”

Kanya-kanyang chika rin sina Chow Yun Fat, at marami pang iba.

At bilang pagkilala sa kanila, nagsama-sama ang mga young Filipino Chinese entrepreneurs of Anvil Business Club para sa multi-sectoral groups to hold the advance celebration of World Teachers Day (declared as Oct. 5 by UNESCO starting 1994) and Confucius’ 2,570th birth anniversary (which is September 28) at the Chinese Garden of Rizal Park, Manila.

Special guests sa event na ‘yon sina Philippine National Police (PNP) National Capital Region Police Office (NCRPO) director Major General Guillermo Eleazar, China Embassy diplomats led by Cultural Counsellor Tian Shanting, Federation of Filipino Chinese Chambers of Commerce & Industry, Inc. (FFCCCII) President Dr. Henry Lim Bon Liong and First Vice-President Alex Yap Cho Ti, Philippine Public School Teachers Association (PPSTA) leaders, college professors, other educators, officers of diverse civic groups, etc. Anvil Business Club was led by chairman Wilson Lee Flores, president Patrick Cua, chairman emeritus George Siy, honorary chairman Reynold Siy, project heads Richmond Co and Sheryll Yu, and others.

The highlight of the celebration was the ancient ceremony of three bows by multi-sectoral groups before the granite Confucius monument (which was donated by Anvil Business Club in 2009 under then chairman Wilson Lee Flores and president Eduardo Cobankiat, with support by then Tourism Secretary Ace Durano). Fresh rose flowers were then given by VIP guests and civic leaders to all the teachers and educators. Speeches eulogizing teachers and Confucius were delivered by Gen. Eleazar, Henry Lim, Patrick Cua, Counsellor Tian Shanting and instead of a speech, Wilson Lee Flores recited his new Filipino-language poem.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *