Angela Zamora matagal nang pasaway

Ang dating ABS-CBN 2 young actress na si Angela Zamora (Angela Garcia Bobis in real life) ang nabalitang nahuli ng mga awtoridad sa Cavite sa isang drug buy-bust.

The post Angela Zamora matagal nang pasaway appeared first on Abante News Online.

angela zamora matagal nang pasaway - Angela Zamora matagal nang pasaway
ABANTE angel2 - Angela Zamora matagal nang pasaway

Ang dating ABS-CBN 2 young actress na si Angela Zamora (Angela Garcia Bobis in real life) ang nabalitang nahuli ng mga awtoridad sa Cavite sa isang drug buy-bust.

Sa mga hindi na nakakakilala kay Angela, kabilang siya sa ni-launch noon bilang Star Circle member noong 1997. Ka-batch nga ni Angela sina John Lloyd Cruz, Baron Geisler, Marc Solis, Tanya Garcia, Miguel dela Rosa a.k.a. Boom Labrusca, Serena Dalrymple, Kathleen Hermosa, Shaina Magdayao, William Thio at Bernard Palanca.

Puro mga kontrabida roles ang nabibigay noon kay Angela dahil sa mataray na mga mata nito na naihambing pa noon kay Gladys Reyes. Lumabas ito sa mga pelikulang “Gangland,” “Ang Lahat Ng Ito’y Para Sa ‘Yo” at “Nagbibinata.” Lumabas din ito sa GMA drama series na “Ganyan Kita Kamahal”.

Hindi ito ang unang beses na mabalita si Angela sa diyaryo. Noong 1998, naalala pa namin na humingi ng tulong ang kanyang mga magulang sa mga pulis dahil ilang araw na itong nawawala. Bigla na lang daw itong hindi na umuwi sa kanilang bahay. Wala naman daw itong taping or shooting at pumasok lang daw ito sa school noong araw na iyon. Pangamba ng pamilya ni Angela na baka na-kidnap na ito.

Pagkatapos na ma-diyaryo na missing si Angela, bigla itong nagparamdam sa kanyang mga magulang at sinabing sumama ito sa kanyang boyfriend at nagtanan sila.

Isa ito sa dahilan kung bakit naudlot ang showbiz career ni Angela. (Ruel Mendoza)

The post Angela Zamora matagal nang pasaway appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *