Angela target si Mark Herras

Mapag-akit ang kariktan ni Maria Angela Eusebio. Siya ay 19 years old, may taas na 5’8 at sukat na 34-25-37. Marami ang nagpapatasya sa kanyang larawan na kuha ni Likas Sison Aspiras ng Blink Creative Studio.

angela target si mark herras - Angela target si Mark Herras
tonite mark - Angela target si Mark Herras

NI: ROLDAN CASTRO

Mapag-akit ang kariktan ni Maria Angela Eusebio. Siya ay 19 years old, may taas na 5’8 at sukat na 34-25-37. Marami ang nagpapatasya sa kanyang larawan na kuha ni Likas Sison Aspiras ng Blink Creative Studio.

Siya ay Binibining Mayondon 2019, Miss Los Baños 2019 at ngayon ay official candidate ng Bb. Laguna 2020.

Mahilig din sa sports dahil volleyball varsity player siya.

Paborito niyang artista ay si Bianca Umali .” Hinangaan ko siya hindi lang sa pag-arte, pagsayaw, pagkanta pati na rin sa kaseksihan ng katawan niya. Kilig na kilig pa nga ako sa loveteam nila ni Miguel (Tanfelix) dati. Mapapa- “Sana all” ka na lang. ha!ha!ha!

“Napansin nila dati na hawig ako sa kanya.’Wag na lang banggitin ‘yung matangos niyang ilong. Pero ngayon ay hindi na, sayang!” sambit pa niya.
Si Mark Herras daw ang showbiz crush niya.

“Noong napanood ko siya sa Facebook, sa mga TikTok niya grabe. Ang galing niyang sumayaw.Hinangaan ko siya dahil hindi kumukupas ‘yung kapogian niya lalo mga dance move niya. Maka-collab ko sana siya sa TikTok kahit isang video lang,” lahad pa ni Anngela.

Ano ang sexy para sa kanya?

“ May ibang tao na nakikita ang pagiging sexy hindi lang sa ganda ng katawan o panlabas na anyo. Ang pagiging sexy nasa talas ng pag-iisip din yan. Dahil aanhin mo naman ang kaseksihan ng katawan mo kung wala kang ambag sa lipunan mo. Naniniwala akong mas matimbang ang talas ng pag-iisip kaysa sa pisikal na kaanyuan,” deklara pa niya.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *