Angel tumulong sa mga drag queen

Hindi tumitigil si Angel Locsin sa pagtulong. Katunayan, sa tulong ng “Iba ‘Yan” ay tinulungan niyang ibalik ang kulay at kislap ng buhay ng mga drag queen na apektado ang kabuhayan dahil sa quarantine sa handog nitong online benefit concert na napanood sa ABS-CBN Entertainment at “Iba ‘Yan” Facebook page nitong Linggo (Agosto 2), 7PM.

angel tumulong sa mga drag queen - Angel tumulong sa mga drag queen
abante angel locsin 2 - Angel tumulong sa mga drag queen

Hindi tumitigil si Angel Locsin sa pagtulong. Katunayan, sa tulong ng “Iba ‘Yan” ay tinulungan niyang ibalik ang kulay at kislap ng buhay ng mga drag queen na apektado ang kabuhayan dahil sa quarantine sa handog nitong online benefit concert na napanood sa ABS-CBN Entertainment at “Iba ‘Yan” Facebook page nitong Linggo (Agosto 2), 7PM.

May titulong “Kinang” at ipinakita sa naturang concert ang iba’t ibang performances ng mga drag queen na nagpakitang gilas gamit ang kanilang talento. Layunin ng concert na makalikom ng donasyon bilang tulong sa pang-araw-araw na pamumuhay ng LGBTQ entertainers na ngayon ay walang kinikita dahil sa patuloy na ipinapatupad na quarantine.

Kasama ang komedyanteng si Negi, matutunghayan sa palabas ang mga drag queen na sina Aries Night, Zsashing, Racing Chat, JCourse, Cherry Pie, at Marina Summers.

Bumida muna sila sa sa episode ng “Iba ‘Yan” kung saan nakasama nila si Angel upang ibahagi ang estado ng kanilang buhay at kung paano nila ginagawan ng paraan kumita sa gitna ng pandemya.

Siyanga pala, sabay na ring napapanood ang “Iba ‘Yan” sa Kapamilya Online Live sa Facebook at YouTube at Kapamilya Channel tuwing Linggo, 6:15PM.

Sa mga nais mag-abot ng tulong, maaaring mag-deposit sa ABS-CBN Foundation Lingkod Kapamilya, Inc. BDO savings account 005630050932 (Mother Ignacia branch). (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *