Angel tumulong sa mga bar girl

Ayaw paawat sa pagtulong ni Angel Locsin sa mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya. Katunayan, last Sunday ay binigyan ng ‘Iba ‘Yan’ ng chance na maka-graduate ang mga babaeng nagtrabaho sa mga night club noon.

The post Angel tumulong sa mga bar girl first appeared on Abante.

angel tumulong sa mga bar girl - Angel tumulong sa mga bar girl
Angel Locsin 2 - Angel tumulong sa mga bar girl

Ayaw paawat sa pagtulong ni Angel Locsin sa mga Pinoy na naapektuhan ng pandemya. Katunayan, last Sunday ay binigyan ng ‘Iba ‘Yan’ ng chance na maka-graduate ang mga babaeng nagtrabaho sa mga night club noon.

Sina Claire Abayon and Mirasol Villegas ay nakilala ni Angel sa Wipe Every Tear, ang foundation na naglalayong bigyang edukasyon ang mga kabataan at kababaihang biktima ng human trafficking at iba pang pang-aabuso. Magma-martsa na sana sina Claire at Mirasol para sa kanilang college degrees, kaso nga lang naudlot ito dahil sa pandemya.

Hindi pinalampas ni Angel ang pagkakataon dahil ang “Iba ‘Yan” team na mismo ang nagset-up ng kanilang graduation rites. Naka-toga at talagang inayusan sina Claire at Mirasol para sa kanilang big day, na itinuturing nilang huling hakbang para sa pag-abot sa kanilang kinabukasan.

Nagbigay rin ng mensahe ang mga sikat na personalidad.

“Mabuhay kayong lahat. Your life story will bring forth strength, encouragement, and inspiration sa lahat ng mga tao na ma-e-encounter ninyo at makakarinig ng life story ninyo,” sabi ni Jodi Sta. Maria.

“’Wag niyong iisipin na dahil sa background ninyo, mayroong iba na mas valid ang dreams nila. Naniniwala ako na kayo, ang pangarap niyo kayang-kaya niyong abutin,” payo naman ni Bianca Gonzales.

“Palagi tayo susubukin ng buhay. Ang importante bangon lang uli ng bangon at palaging pipiliin lang kung ano yung mas nararapat para sa inyo. I hope in the future you continue to choose what’s best for you because you are beautiful at mahal kayo ng Panginoon,” papuri naman ni Bernadette Sembrano.

Well, magandang kwento nga ito, na may chance ang lahat para baguhin ang kapalaran, na hindi dapat sumuko. (Dondon Sermino)

The post Angel tumulong sa mga bar girl first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *