Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021

Naudlot nga nang bonggang-bongga ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce na dapat ay naganap nitong Nov. 8 (Linggo). Sa pinoste ni Angel na dalawang larawan sa Instagram kasama si Neil, sinabi niyang hindi natuloy ang kasal nila sa nasabing date.

The post Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021 first appeared on Abante.

angel neil tuloy ang kasal sa 2021 - Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021
abante angel locsin 3 - Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021Naudlot nga nang bonggang-bongga ang kasal nina Angel Locsin at Neil Arce na dapat ay naganap nitong Nov. 8 (Linggo). Sa pinoste ni Angel na dalawang larawan sa Instagram kasama si Neil, sinabi niyang hindi natuloy ang kasal nila sa nasabing date.

Maghihintay na lang uli ng ilang buwan ang aktres para sa pagpapatuloy ng kanilang wedding.

“So, we were supposed to get married today. Nov. 8, 2020. How about you guys? Did you have plans this year that got moved? Can’t wait a few more months,” sabi ni Angel.

Sabi naman ni Neil, sabik na siyang maging misis si Angel. At nakapag-down na nga raw sila sa wedding planner, at sa iba pang gastusin para sa kasal nila sa 2021.

***

Jinkee emosyonal sa tagumpay ni Michael

Umaapaw sa kasiyahan at pagmamalaki ang puso ni Jinkee Pacquiao para sa anak na si Michael Pacquiao, dahil nagbunga ng good vibes ang paglusong nito sa music industry.

Nominado sa 6th Wish Music Awards 2021 ang unang single nitong “Hate”.

Proud na pinoste ni Jinkee sa Instagram ang plaque of recognition mula sa nasabing award giving body na nagsasabing nominado sa kategoryang Wish Breakthrough Artist of the Year, sa ilalim ng Wishclusive Hiphop Performance of the Year ang “Hate”.

“Michael I am so proud of you I know that you have put so much effort into your music that is why I’m so proud of you. I’m very happy that you have grown into a person that he wants you to be. You have receive the first ever Bronze Wishclusive Elite Circle. Not only that, but you were nominated for breakthrough artist of the year and hiphop performance of the year. #Godisgood #blessedandhighlyfavored,” sey ni Jinkee.

***

Arci naghahanda sa giyera

Naghahanda na si Arci Muñoz sa anumang giyera na papasukin nilang mga reservist ngayong dumating na ang ilang insurgent war weapon sa bansa. Naghahanda nga siya para sa posibleng maganap na girian dahil sa pag-angkin ng teritoryo.

Nagsasanay na ngang bumaril si Arci gamit ang armalite. Sa ibinahagi niyang video sa Instagram, nagta-target practice shooting na ang aktres.

Naka-uniform ito ng fatigue/camouflage, combat shoes/boots at cap habang bumabaril.

Matapos makuha ni Arci ang certificate of completion ng training niya sa AFP, sineryoso na ng aktres ang pagiging mandirigma.

The post Angel, Neil tuloy ang kasal sa 2021 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *