Angel, Neil pumiyok sa ‘hiwalayan’

Walang kamalay-malay sina Angel Locsin at Neil Arce na ‘hiwalay’ na pala sila.

The post Angel, Neil pumiyok sa ‘hiwalayan’ first appeared on Abante.

angel neil pumiyok sa hiwalayan - Angel, Neil pumiyok sa ‘hiwalayan’
Angel Locsin 3 - Angel, Neil pumiyok sa ‘hiwalayan’

Walang kamalay-malay sina Angel Locsin at Neil Arce na ‘hiwalay’ na pala sila.

Na sa YouTube pala, at iba pang social media, at online platform ay ‘wasak’ na ang relasyon nila.

Lately na nga lang nila nakita na iba’t ibang YT channel na ang naglabas na ‘binasura’ na ang kasal nila. At may kanya-kanya ring version kung bakit sila naghiwalay, na ikinaloka, ikinagulat nila.

Kaya naman sa kani-kanilang mga social media account ay agad silang naglabas ng reaksiyon.

“Muntikan nako maging victim ng fake news. Buti na lang hindi Neil Arci (ang iba kasi ay ganiyan ang spelling na ginamit ng apelyido ni Neil) ang pangalan ko!” sabi ni Neil ARCE.

Isa-isa namang pinik-up ni Angle ang mga vlog na nagbalita na hiwalay na sila ni Neil, at tinapatan niya ng malalaking letra na FAKE NEWS.

“Oh wow! Can’t believe some people would stoop this low.

“Why do some people make this much effort to put me in a bad light?

“That is the question!” sabi pa ni Angel.

Kaloka lang nga na ang daming naniwala na hiwalay na sina Angel at Neil. Na ang iba ay tila natuwa pa, na kesyo karma raw `yon ni Angel, dahil sa pagtutol nito sa kung ano-anong patakaran ng gobyerno. Na obyus naman kung kanino galing, o kung sino-sino sila.

Well, try harder daw next time, sa paggawa ng tsismis kina Neil at Angel, ha! Yung may touch daw ng katotohanan. (Dondon Sermino)

The post Angel, Neil pumiyok sa ‘hiwalayan’ first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *