Angel, Neil ‘di pakakasal hanggang may COVID-19

Nang dahil sa pandemic, na-hold muna ang kasal ni Angel Locsin sa fiancee na si Neil Arce. Hindi nila dini-disclose kung kailan na ang bagong wedding date na napili nila, pero, hangga’t lockdown pa rin daw talaga o posibleng hangga’t may COVID-19 pa, hindi muna nila ito ipu-push through.

The post Angel, Neil ‘di pakakasal hanggang may COVID-19 first appeared on Abante.

angel neil di pakakasal hanggang may covid 19 - Angel, Neil ‘di pakakasal hanggang may COVID-19
abante angel locsin 3 - Angel, Neil ‘di pakakasal hanggang may COVID-19

Nang dahil sa pandemic, na-hold muna ang kasal ni Angel Locsin sa fiancee na si Neil Arce. Hindi nila dini-disclose kung kailan na ang bagong wedding date na napili nila, pero, hangga’t lockdown pa rin daw talaga o posibleng hangga’t may COVID-19 pa, hindi muna nila ito ipu-push through.

Inamin naman ni Angel sa naging IG Live niya na priority niya raw talaga ang magiging kasal nila. Nagkataon lang na may mga grabeng nangyari sa bansa– ang pandemic at shutdown ng ABS-CBN kunsaan, naging prominente ang presence ng actress.

Sey ni Angel, “Actually, priority ko talaga siya. Because I don’t want Neil to feel na he’s second to my job. Bago ko mag-sign sa ABS, kaya hindi rin ako nag-renew ng contract, kasi, I want to focused muna sa amin, sa pre-nup, sa wedding, sa paggawa ng bahay and less stress.

“Kaya lang, na-stress na tayo nang bonggang-bongga. Pero, wala na rin choice, kaya bumalik ako. Kailangan natin ang isa’t isa ngayon. Mabuti na lang itong mapapangasawa ko, maintindihin din siya. Kung ano man yung pinaglalaban ko, laban din niya.

“And we’re grateful lang na kahit naunsiyami ang mga wedding plans at least, meron pa rin kaming time na mag-adjust, mag-plan.”

Naikumpara rin ni Angel sa nangyari nga raw sa wedding nina Richard Gutierrez at Sarah Lahbati na the next day raw yata after i-declare ang ECQ, ikakasal na sila.

“Pero at least, nagawan pa rin nila ng paraan.”

Lahad pa ni Angel, “Dapat may pre-nup shoot na rin kami ng week na yun. Lilipad sana kami na hindi na rin namin tinuloy. Pero I’m sure, marami rin naman na ganito ang pinagdadaanan. May mga plans na naunsiyami.

“Hindi na kami magrereklamo, ayaw naming magreklamo,” sey niya. (Rose Garcia)

The post Angel, Neil ‘di pakakasal hanggang may COVID-19 first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *