Angel ‘nagpatutsada’ kay Luis

Hindi pa rin mapatawad ng mga fan ni Angel Locsin si Luis Manzano, kahit anong eksplanasyon pa ang gawin ng TV host/aktor. Para sa kanila, bitter, o kumain ng sangkatutak na ampalaya si Luis, dahil kitang-kita na kung gaano kaligaya ang ex-dyowa niyang si Angel.

The post Angel ‘nagpatutsada’ kay Luis appeared first on Abante News Online.

angel nagpatutsada kay luis - Angel ‘nagpatutsada’ kay Luis
Abante ange - Angel ‘nagpatutsada’ kay Luis

ABANTE ARTISTA
Mga netizen nagatungan pa:

Hindi pa rin mapatawad ng mga fan ni Angel Locsin si Luis Manzano, kahit anong eksplanasyon pa ang gawin ng TV host/aktor. Para sa kanila, bitter, o kumain ng sangkatutak na ampalaya si Luis, dahil kitang-kita na kung gaano kaligaya ang ex-dyowa niyang si Angel.

Anyway, nag-post nga si Angel sa kanyang Instagram story ng tungkol sa kaligayahan ng isang tao, na pilit na sinisira raw ng ibang tao.

Para kay Luis nga ba ang mensaheng ito ni Angel?

“Don’t ruin other people’s happiness just because you can’t find your own!”

Mababasa nga ang sunod-sunod na upak ng mga fan kay Luis hanggang ngayon.

@Jarajennie1, “Ohh ano Luis? Pang tatlong accnt kona ang blocked mo ah! Hahaha cge pa blocked mopa ako! Mrami akong bala! Beng beng beng! Tamaan sna yung bungo mo! Hahahaha.”

@keandelprado, “Kahit ilan beses ko panuorin at pakinggan wala ako marining na ‘niyo na’ Sana nag ‘Yes I’am happy for her’ ka nalang or ‘Congrats’ Tutal masaya ka naman na talaga sa buhay mo dba at for her.”
@TarataraToxika, “Ang bait lang talaga ni Lord sobra. Mabuti nalng hindi ikaw ang binigay para kay Angel nagkataon ewan ko nalang.. iba talaga pag mabu-ting tao binibless at nilalayo sa hindi niya deserve na tao.”

@BelenErmita, “Talaga lang ulitin mo kaya video mo para marinig mo sinasabi mo d ka inaano ni Gel reporter nagtanong sayo denial ka pa at sino ka namn para idawit ka d ba tapos na nga kayo at naka move on na siya.”

May mga nakikiusap din naman na mga fan na itigil na ang isyu:
@bincerobic, “Kailan ba sila titigil seriously? Wala ba silang mga buhay? Ano bang klaseng pagiisip ang mga ito. Ang tagal tagal ng issue hanggang ngayon pinalalaki parin nila ang butas. Nakakahiya na ang mga taong to. Nakikialam sa mga buhay ng may mga buhay. God bless bashers!”
Well… (Dondon Sermino)

The post Angel ‘nagpatutsada’ kay Luis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *