Angel nagpasiklab sa pagpipinta

Tumatak sa halos lahat ng Pinoy ang pagiging Darna noon ng aktres na si Angel Locsin, nagmarka rin ang karakter nito bilang ‘Rhian’ sa katatapos lamang na serye na “The General’s Daughter”, ngayon naman ay sinorpresa ni Angel ang kanyang mga kaibigan at mga fan sa hidden talent nito sa pagpipinta.

angel nagpasiklab sa pagpipinta - Angel nagpasiklab sa pagpipinta
angel2 1 - Angel nagpasiklab sa pagpipinta

Tumatak sa halos lahat ng Pinoy ang pagiging Darna noon ng aktres na si Angel Locsin, nagmarka rin ang karakter nito bilang ‘Rhian’ sa katatapos lamang na serye na “The General’s Daughter”, ngayon naman ay sinorpresa ni Angel ang kanyang mga kaibigan at mga fan sa hidden talent nito sa pagpipinta.

Ibinahagi ng aktres sa kanyang Instagram ang kanyang fi­nished artwork kung saan marami ang namangha dahil not bad ang kanyang painting para sa first timer.

“Tried something new” caption ni Angel sa kanyang post tungkol sa kanyang painting.

Ayon sa mga fan na mahilig sa painting, na-picture out talaga ni Angel ang nais ipahatid ng kanyang mga kamay sa pagpipinta. Base sa mga pananaliksik, napapabilang sa hanay ng “impressionism” ang uri ng painting na nilikha ni Angel.

Kabilang sa mga kapwa artista na namangha sa art work ng aktres ay sina Bea Alonzo, Marian Rivera, Dimples Romana at Sarah Lahbati.

“Ano bang ‘di mo kayang gawin?” saad pa ni Lahbati sa comment.

Hindi talaga inakala ng nakararami na may talento pala sa ibang bahagi ng sining ang aktres at iyon nga ay ang pagpipinta. Ito nga kaya ang susunod niya kakaririn habang wala pang proyekto na pang pelikula o telebisyon? (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *