Angel nabuwisit sa mga pulis

Sunod-sunod ang galit na galit na tweet ni Angel Locsin dahil sa mga video na napanood niya, at mga tweet, at post sa Facebook, tungkol sa sinuportahan niyang si Neri Colmenares, na natalo nga sa labanan sa Senado.

The post Angel nabuwisit sa mga pulis appeared first on Abante News Online.

angel nabuwisit sa mga pulis - Angel nabuwisit sa mga pulis
ABANTE angel locsin trust - Angel nabuwisit sa mga pulis

By Dondon Sermino

Neri winasak bago mag-eleksyon:

Sunod-sunod ang galit na galit na tweet ni Angel Locsin dahil sa mga video na napanood niya, at mga tweet, at post sa Facebook, tungkol sa sinuportahan niyang si Neri Colmenares, na natalo nga sa labanan sa Senado.

Ipinost, ni-retweet ni Angel ang laman ng Twitter account ng Anakbayan.

Heto ang tweet ng Anakbayan @anakbayan_ph:
“ALERT! Police in Sampaloc, Manila hand out redtagging black propaganda against #22NeriColmenares, #42Kabataan,­ and other Makabayan party­lists!”
Heto pa ang isa:
“(From Youth Act Now FB page) WATCH: PNP distributing tabloids containing false information; red-tagging of Kabataan Partylist, other Makabayan party-lists, and progressive candidates such as Neri Colmenares in Brgy.
35, District 2, Maypajo, Caloocan. #BotoKabataan.”

Makikita nga sa video ang tungkol sa pamimigay ng “tabloid” na naglalaman ng paninira umano kay Colmenares.

Kaya naman hindi ito pinalampas ni Angel. Sunod-sunod ang pagpalag niya, at paghayag ng kanyang galit.

“Bakit grabe yung effort para makasira? Wala bang maibato kay @ColmenaresPH kaya kinakalat na komunista o NPA siya? Dahil ba gumagawa siya ng paraan para sa kapakanan ng ordinaryong tao at hindi sa ikabubuti ng mga mapagsamantalang tao? Mag-isip sana tayo.”
Nasundan agad ito ng panibagong tweet ni Angel na…
“It’s the lies and black propaganda I don’t understand. If you don’t believe in him don’t vote for him. Spreading lies and destroying the reputation of someone with pure intentions is what I don’t agree with.”
“Ayoko pag inaagrabyado ang kahit na sino!” sabi pa ni Angel.

Humamig naman ng suporta si Angel sa sentimiyento niyang ito tungkol kay Colmenares:
@CarlJaronay: “@143redangel Salamat sa patuloy na pagsuporta kay Neri.

Salamat dahil hindi ka natatakot magsa­lita tungkol sa mga prinsipyo mo. Iba ka.”

@iamfem23: “@143redangel ang sakit sa dibdib. awang awa ako sa bayan ko.”
Grabe talaga ang politika, ang daming nag-aaway-away, ha! Na kahit ang mga artista nga ay nasasangkot na rin sa gulo.

The post Angel nabuwisit sa mga pulis appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *