Angel ‘Most Admired Woman’ ng Pinas

Sobrang tuwang-tuwa si Angel Locsin sa ipinadalang bulaklak sa kanya ni Marian Rivera. Panay nga ang pag-thank you niya sa misis ni Dingdong Dantes dahil sa pagkaganda-gandang bulaklak na `yon.

The post Angel ‘Most Admired Woman’ ng Pinas first appeared on Abante.

angel most admired woman ng pinas - Angel ‘Most Admired Woman’ ng Pinas
Angel Locsin 5 - Angel ‘Most Admired Woman’ ng Pinas

Sobrang tuwang-tuwa si Angel Locsin sa ipinadalang bulaklak sa kanya ni Marian Rivera. Panay nga ang pag-thank you niya sa misis ni Dingdong Dantes dahil sa pagkaganda-gandang bulaklak na `yon.

“No problem, basta ikaw,” sagot ni Marian kay Angel.

Pero, lalong natuwa si Angel nang manguna nga ang pangalan niya sa poll o botohan bilang Philippine’s Most Admired 2020 ni Matthew Smith (Lead data journalist).

Aba, ang bongga rin na humamig siya ng 15.03% admiration votes. Sumunod sa kanya si Miss Universe 2018 Catriona Gray na may botong 11.09%. Kasunod din si Sarah Geronimo na may botong 7.48%.

Base sa list na ipinakita ni Angel sa kanyang Instagram story, tila tinalo pa niya ang mga sikat sa buong mundo na sina Taylor Swift, Angelina Jolie, Emma Watson, Oprah Winfrey sa paramihan ng boto. (Dondon Sermino)

The post Angel ‘Most Admired Woman’ ng Pinas first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *