Angel Locsin for President

Daig pa ang mga politiko! Ganyan ang reaksyon ng mga netizen sa bagong ‘ganap’ sa buhay ni Angel Locsin.

angel locsin for president - Angel Locsin for President
angel 12 - Angel Locsin for President

Daig pa ang mga politiko! Ganyan ang reaksyon ng mga netizen sa bagong ‘ganap’ sa buhay ni Angel Locsin.

Oo nga naman, ang dapat sana ay trabaho ng mga politiko, na pinapasuweldo ng taumbayan, at ‘yun ay tulungan ang mga biktima ng kalamidad tulad nga ng lindol na naganap sa Mindanao. Pero heto nga at isang aktres na tulad ni Angel ang gumagawa nito.

Na habang nagha-Halloween party raw ang karamihan sa mga artista, na ang iba ay dumayo pa sa abroad, heto nga si Angel, nakipagsiksikan sa isang ‘grocery’ sa Davao, para mamili ng mga basic na pangangailangan ng mga biktima ng lindol.

Although naki-party rin si Angel, kasama ang fiancé niyang si Neil Arce, dahil na rin sa suporta nila sa kaibigang si Raymond Gutierrez, pero pagkatapos noon, balik na sa reyalidad ang aktres.

Kung tutuusin, puwede namang gawin ni Angel na ipadala na lang kung kanino ang pera niya, at hayaan ang mga tao na gastusin ito sa mga biktima.

Pero noon pa man, hindi na ganu’n ang ugali ni Angel. Ang gusto niya ay personal niyang inaasikaso ang lahat, na siya mismo ang nakakaranas ng paghihirap, para mas maunawaan niya ang sitwasyon.

Hindi ito ang unang beses na tumulong si Angel sa mga kababayan nating nabibiktima ng kung ano mang kalamidad. Maraming beses na niya itong ginagawa.

Sabi nga nila, siya talaga si Darna, na madalas nakaalalay sa mga mahihirap, at biktima. At bagay na bagay sa kanya ang pangalang ‘Angel’ dahil anghel nga siya na gumagabay sa mga mahihirap, biktima.

Kaya hindi na ako nagtataka na may mga sumigaw na ‘Angel for President’ na dahil sa kagandahan ng puso, at malasakit ng aktres sa mga Pilipino.

Pero noon pa man, kapag kausap namin si Angel, wala sa bokabularyo niya ang pasukin ang politika. Sapat na raw sa kanya ang makatulong siya, at maibalik ang suporta ng mga ito sa kanya, sa narating niya ngayon.

Oo, sariling pera ni Angel ang ginagastos niya sa pagtulong niya. Ni wala nga siyang nilalapitang organisasyon, o kapwa artista, para hingian ng pinansiyal na tulong.

Ang maging magandang impluwensiya siya, tularan ng mga kapwa artista, ay okey na okey na.

At wala rin sa intensiyon ni Angel na ipagmayabang, ipagmalaki sa lahat, sa pamamagitan ng social media, ang mga ginagawa niyang pagtulong.

Makikita mo naman, na ang mga tao mismo na nakakakita sa kanya, sa mga ginagawa niya, ang kusang loob na nagpu-post ng mga aktibidades ni Angel, na mukhang wala ngang pahintulot sa aktres mismo.

Mga stolen shot na mga larawan ito, at mababanaag mo sa mukha ni Angel ang napakagandang awra, o maaliwalas na mukha sa ginagawa niya.

Heto nga ang reaksyon ng mga netizen:

Ledy Mainit Bonifacio: “Angel Locsin you are so blessed with good heart that is why a lot of financial and material blessings keep on pouring upon you.”

Beth Maceren Palapar: “Of all the local artists, ikaw lang gyud akoa idol angel. you have the beauty, heart, and talent. You deserve all the things that you have right now. May Godbless you always.”

Vivian Fernandez Villanueva Labastida: “I am a mindanaoan who now lives in Laguna and I truly appreciate Ms. Angel Locsin for her support to the people in mindanao. Ms. Angel, thank you so much. God bless you always.”

Elsa Miras Saliut: “Thank you Ms. Angel Locsin, so beautiful wd a good heart, i know God will bless you a hundred folds…Salamat po for helping our bros.And sis hu are victims of d recent calamity…Love u ms. Angel.”

Vilma Ormeo: “We are proud of you our beloved queen Angel Locsin and sir Neil Arce ready to deliver help when it’s really needed a gorgeous face beautiful body humble and kind action drama queen award winning versatile actress and a fiancee that so understanding and extend support to the passion of the woman that he loves AngelLocsin we love you #Neilgel.”

Yu Dense: “She’s indeed the Darna we all need. You’re such a good person with a very good heart, my Angel. Stay an angel to those who are in need. Good bless you.”

Rosario Masangkay Bandala: “Real Character shows… as a saying goes ‘purity of gold surfaces on fire!’ also the ‘true color of a tea will show when in hot water’. You are consistent Ms. Angel Locsin, Thanks God for that kind and compassionate heart!” (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *