Angel inudyukang tuligsain ang NPA

Matapos ipangalandakan sa Instagram ang depensa sa ‘red-tagging’ daw ni Lt. General Parlade Jr. sa kanyang kapatid na si Ella Colmenares bilang ipinapalagay na komunista, sa pamamagitan ng paglalabas ng class card nito sa Philippine Christian University na may nakasulat na school year 2005-2006, hinamon pa rin ng ilang netizen si Angel Locsin na i-denounce o tuligsahin ang CPP NPA party sa Pinas.

The post Angel inudyukang tuligsain ang NPA first appeared on Abante.

angel inudyukang tuligsain ang npa - Angel inudyukang tuligsain ang NPA
Angel - Angel inudyukang tuligsain ang NPA

Matapos ipangalandakan sa Instagram ang depensa sa ‘red-tagging’ daw ni Lt. General Parlade Jr. sa kanyang kapatid na si Ella Colmenares bilang ipinapalagay na komunista, sa pamamagitan ng paglalabas ng class card nito sa Philippine Christian University na may nakasulat na school year 2005-2006, hinamon pa rin ng ilang netizen si Angel Locsin na i-denounce o tuligsahin ang CPP NPA party sa Pinas.

Naglabas na ng ebidensya si Angel sa kanyang IG para patunayang hindi kasali ang sister nitong si Ella sa ‘attack’ sa Polilio, gaya nang ipinapangalandakan sa FB post ng NTF-Elcac o National Task Force to End Local Communist Armed Conflict na si Parlade Jr.

Sa mahigit isang libong nag-comment sa post na ito ni Angel, ilan sa mga ito ay naghahamon sa aktres na i-denounce ang partidong komunista o CPP NPA sa Pilipinas para matapos na ang isyu sa kanya at sa kapatid nito.

@geloconstantine: “But why can’t you denounce the NPA? What’s difficult with that? Are you afraid of NPA or because you cannot denounce a terrorist group you’re supporting. Prove the General wrong not by this kind of drama. Prove to the Filipino people that you’re denouncing NPA and it’s terrorism, denounce the abuses these commie did to the IPs and students. Use your influence. It’s not difficult. Unless you can’t because you’re either one of them or supporting them!”

May mga nag-aalala rin sa kaligtasan ni Angel kaya nanawagan ang mga ito ng proteksyon para sa kanilang idol.

@leilanilopez08: “Protect Angel Locsin and her family at all cost.”

Pinuri ni Kris Aquino ang pakikipagbanggaan ni Angel Locsin sa gobyerno.

“Gel, just like i messaged you-HANGA ako sa katatagan at paninindigan mo. Reminds me of some lyrics of my dad’s favorite song, Impossible Dream. To fight for the right Without question or pause To be willing to march Into hell for a heavenly cause,” sey ni Kris. (Rey Pumaloy)

The post Angel inudyukang tuligsain ang NPA first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *