Angel inspirasyon ni Maymay

Pinasalamatan ni Angel Locsin si Maymay Entrata sa mga papuri nito sa kanya.

The post Angel inspirasyon ni Maymay appeared first on Abante News Online.

angel inspirasyon ni maymay - Angel inspirasyon ni Maymay
angel locsin 2 - Angel inspirasyon ni Maymay

tonite oh laban ka rey pumaloy 336x224 - Angel inspirasyon ni MaymayPinasalamatan ni Angel Locsin si Maymay Entrata sa mga papuri nito sa kanya.

“Salamat @maymayentrata07. Unang kita palang natin sa loob ng bahay ni kuya tuwang tuwa na ako,” sabi ni Angel.

Nilakipan ni Angel ng screenshot ng interview ng ABS-CBN 2 kay Maymay.

“Maymay: Si Angel Locsin kasi pwede siya maging superhero, maging bida, kontrabida, maging siga…”

Mababasa sa caption na si Angel ang pinili ni Maymay na nagkaroon ng impact at inspirasyon sa kanila.

“Nga­yong buwan ng mga Kababaihan ay binigyang pugay ng mga Kapamilya actresses ang mga babaeng karakter na tumatatak at nagbigay inspirasyon sa kanila!”

Xian malabong mapatalsik sa showbiz

Lahat na lang yata gustong subukan at pasukan ni Xian Lim. Nag-artista, naging singer, nag-basketball, at ngayon isa na rin siyang direktor.

Naka-post sa Facebook account ng Cinemalaya ang larawan ni Xian na kuha sa location shoot ng pelikulang “Tabon”. Ipinakilala si Xian bilang direktor ng Tabon.

“Xian Lim (second from left) on the set of his directorial debut “Tabon”, a Cinemalaya 2019 finalist, topbilled by Christopher Roxas (far right).

#Cinemala2019, #Tabon, #XianLimForCinemalaya.”

Dahil dito itinuturing na si Xian ang pinaka-well rounded male celebrity dahil sa dami ng kaya niyang gawin. Malaki ang chance ni Xian na hindi mawala sa industriya dahil sa talent at katangian niya.

Ano kaya ang susunod na gagawin ni Xian upang ipakita ang isa pa niyang kakayahan?

Joyce hindi pinagsasawaan ni Juancho

Nalulunod sa kasiyahan ang puso ni Joyce Pring sa pag-aalaga at pagmamahal sa kanya ng kasintahang si Juancho Trivino. Naka-post sa Instagram wall ng Kapuso host/actress ang ilang larawan at video ng pagbisita sa kanya ng kapwa Kapuso artist habang nasa loob ito ng dressing room at nagpapahinga bago sumalang sa susunod na trabaho.

Sa caption pa lang malalaman ibinahagi ni Joyce ang pagiging maalalahanin sa kanya ni Juancho sa lahat ng bagay lalo at kapag wala na siya halos panahon dahil sa dami ng kanyang commitment.

Mapapanood sa video ang pagsulpot ni Juancho na may dala-dalang pagkain para kay Joyce. Sa sumunod na video, nakalantad ang maraming pagkain na pinagkaabalahang bilhin ni Juancho para may makain si Joyce.

Sabi ni Joyce sa mensahe niya, hindi nagsasawa si Juancho na pagsilbihan siya gaya ng pagdadala ng mga pagkain at minsang pagmamaneho nito sa kanya sa mga commitments. Mas lalong lumaki ang paghanga at pagmamahal ni Joyce, sa pagiging sweet ng kasintahan.

Feeling ni Joyce, ang haba-haba ng hair niya at siya na ang pinakamagandang babae sa balat ng lupa.

The post Angel inspirasyon ni Maymay appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *