Angel gumastos ng P100K para sa ABS-CBN event

Dulot ng pamimiga ng mga netizen kay Angel Locsin dahil sa hindi nito pagdalo sa ABS-CBN Ball 2019 at direktang pagdo-donate sa Bantay Bata 163, naudyukan itong ilahad ang kanyang nagastos para sa gayunding event last year.

angel gumastos ng p100k para sa abs cbn event - Angel gumastos ng P100K para sa ABS-CBN event
angel 10 - Angel gumastos ng P100K para sa ABS-CBN event

Dulot ng pamimiga ng mga netizen kay Angel Locsin dahil sa hindi nito pagdalo sa ABS-CBN Ball 2019 at direktang pagdo-donate sa Bantay Bata 163, naudyukan itong ilahad ang kanyang nagastos para sa gayunding event last year.

Sumagot si Angel sa tweet ng isang netizen kung saan ibinunyag ng aktres na higit P100,000 ang kanyang ginastos sa ABS-CBN Ball 2018.

“Not hating you ha. I’m a fan of your charity works. I’m just saying as a celebrity, you can get sponsors to dress you up. Unless that’s not the case anymore and you’re forced to buy it na from the designers. Kasi you’ll promote it pa din in exchange sa pagsuot mo ng gown diba?” sey ng netizen.

Sinabi ng aktres na karaniwang ginagawa ang ex-deal o sponsorship sa mga artistang katulad nila pero nilinaw din niya na hindi iyon nangyayari palagi.

“Yes minsan may exdeal pero hindi lahat ganun ang case… like, last year 100K for gown alone ang binayad ko. Wala pang fee stylist, glam team, hotel, etc… also, hindi rin naman fair na hindi ka magbabayad kasi hindi madali ang ginagawa ng team. You get my point na?” mahabang paliwanag ng aktres.

Klinaro rin ni Angel na hindi naman fair kung hindi niya babayaran ang mga tao sa likod ng kanyang pagpapaganda para sa nasabing event.

“San nanggaling yung impression na parang ang privilege ng mga artista? Kung gumagastos ka pag may event ka, wala naman kaming pinagkaiba,” bahagi pa ng sagot ng aktres. (Athena Yap)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *