Angel, Enchong, Maja, Frankie tatapatan SONA ni Digong

Ngayong alas-tres ng hapon ay muli ngang haharap sa sambayanan si President Rodrigo Duterte para magbigay ulat sa mamamayan sa mga natupad na mga pangako, at sa tunay na sitwasyon ng bansa.

angel enchong maja frankie tatapatan sona ni digong - Angel, Enchong, Maja, Frankie tatapatan SONA ni Digong
frankie - Angel, Enchong, Maja, Frankie tatapatan SONA ni Digong

Ngayong alas-tres ng hapon ay muli ngang haharap sa sambayanan si President Rodrigo Duterte para magbigay ulat sa mamamayan sa mga natupad na mga pangako, at sa tunay na sitwasyon ng bansa.

Taon-taon nga ay inaabangan ang SONA (State Of the Nation Address) ng pangulo, na karaniwang ginaganap sa kongreso.

Dinadaluhan ito ng halos lahat ng politiko, at nagiging usap-usapan nga ang mga bonggang kasuotan ng mga dumadalo. Karaniwan ngang pinupuri sa ganitong okasyon ay sina Cong. Lucy Torrez Gomez, Heart Evangelista (noong Senador pa si Gov. Chiz Escudero), at lahat ng mga taga-showbiz na sumabak sa politika.

Pero dahil sa pandemya, tila magbabago ang nakasanayan na. Ang dati-rati ay sama-sama, dikit-dikit na pagtitipon sa SONA ay hindi na magaganap ngayon, dahil sa social distancing at mass gathering.

Wala pang ideya ang mga Pilipino sa kung ano ang magiging kaganapan ngayong hapon.

Pero, ang siguradong-sigurado ay ang gagawing pagtapat ng mga artista, singer, sa SONA ni Pres. Digong.

Magsasama-sama nga ngayong 3 to 6 pm ang mga artista, mang-aawit sa tinawag nilang Tinig Ng Bayan SONAgkaisa Online Concert.

Base sa listahan na nasilip ko, pangungunahan ito nina Angel Locsin, Maja Salvador, Agot Isidro, Iza Calzado, Mylene Dizon, Jodi Sta. Maria, Enchong Dee, Frankie Pangilinan.

Kasama rin sina Ebe Dancel, Martin & Robin Nievera, Noel at Gab Cabangon, Odette Quesada, Jim Paredes, Boboy Garovillo, Celeste Legaspi, Mitch Valdez, Bituin Escalante, Bayang Barrios at ang Naligayan.

Pasok din sa listahan sina The League of AKTOR, The Company, Bullet Dumas, Johnay Danao, Moonstar 88, True Faith, Baihana, Toma Cayabyab, Kean Cipriano, Arman Ferrer, Jesuit Music Ministry, PETA, at marami pang iba. (Dondon Sermino)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *