Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro

Hindi gusto ni Angel Locsin na bawian o tanggalan ng lisensya ang guro na ‘nanlait’ sa kanyang itsura sa pamamagitan ng paggamit nito sa aralin sa mga estudyante.

The post Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro first appeared on Abante.

angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro - Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro
Angel Locsin 8 - Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro

Rey Pumaloy Oh Laban Ka 16 300x200 - Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guroHindi gusto ni Angel Locsin na bawian o tanggalan ng lisensya ang guro na ‘nanlait’ sa kanyang itsura sa pamamagitan ng paggamit nito sa aralin sa mga estudyante.

Ito ang naging sagot ng aktres sa komento ng fan sa pinoste niyang official statement ng DepEd.

Suhestiyon ng mga fan ni Angel, na dahil unethical ang ginawa ng guro, isang matibay na rason ‘yon para tanggalan ito ng lisensya.

“Hindi naman kailangang umabot sa ganun,” sagot ni Angel.

Ito ay malinaw na pruweba na hindi na gigisahin pa ni Angel ang teacher, at kuntento naman siya sa hakbang ng DepEd para sa naturang teacher.

Kunsabagay, nilait at kinuyog na rin ang teacher ng mga supporter ng aktres.

***

Bahay ni Gardo binaha ng putik

Kumpara kay Nadia Montenegro na emosyonal sa pagkakalubog sa baha ng mga kasangkapan, sasakyan niya, tinanggap nang maluwag ni Gardo Versoza ang pagkakasira ng mga kagamitan niya dulot ng bagyong Ulysses.

Ibinahagi ng misis ni Gardo na si Ivy Vicencio ang mga larawan sa kanyang Instagram ng mga damage sa kanilang bahay. Nakahambalang sa sahig ang mga putikang gamit.

Sa isang larawan ay makikitang naglilinis si Gardo gamit ang water hose kasama ang dalawa pang lalake. Makikitang nakangiti pa ang aktor dahil sa pagi-emote ng dalawa sa kamera.

***

Gloria proud sa kabaitan ni Isabelle

Ilang balikbayan box nga ang ipadadala sa Pilipinas ni Isabelle Daza mula Hong Kong para i-donate sa mga nasalanta ng bagyong Ulysses.

Pinoste ni Gloria Diaz (ina ni Isabelle) sa Instagram ang larawan ng huli na napapaligiran ng mga balikbayan box. Mababasa ang mga nakasulat sa mga box na ‘children’s clothes’, ‘shoes’, ‘food.’

Proud si Gloria sa kabutihang loob ng anak na nagmalasakit din noon sa mga napinsala ng bagyong Ondoy.

Nag-aalala naman siya sa kapakanan ng anak dahil wala itong suot na face mask sa pakikisalamuha sa mga kasama nito sa photo.

The post Angel ayaw tanggalan ng lisensiya ang nanlait na guro first appeared on Abante.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *