Angel, Angelica, Paulo kapit-bisig para kay Bea

Marami ang naintriga sa Instagram story nina Angel Locsin at Paulo Avelino, na kasama nila si Bea Alonzo, pati na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, JM de Guzman, Ejay Falcon, at marami pang iba.

The post Angel, Angelica, Paulo kapit-bisig para kay Bea appeared first on Abante News Online.

angel angelica paulo kapit bisig para kay bea - Angel, Angelica, Paulo kapit-bisig para kay Bea
ABANTE parakayB - Angel, Angelica, Paulo kapit-bisig para kay Bea

Laban kina Gerald, Julia?

Marami ang naintriga sa Instagram story nina Angel Locsin at Paulo Avelino, na kasama nila si Bea Alonzo, pati na sina Angelica Panganiban, Bela Padilla, JM de Guzman, Ejay Falcon, at marami pang iba.

Nakakaintriga kasi ang pa-hashtag nila na #AboutLastNight, lalo na ‘yung #ParaKayB.

Ay, para kay Bea Alonzo ba ang chikahan, drinking session na ‘yon? Suporta nila kay Bea, na ang pakiramdam ng maraming netizen, pati mga artista, ay ‘kawawang-kawawa’ ngayon dahil sa nangyari sa kanila ni Gerald Anderson, na sangkot din si Julia Barretto?

Ito ba ay pagsasama-sama bilang suporta kay Bea, at pagkondena, pagkalaban kina Gerald at Julia? O masyado lang malikhain ang imahinasyon ng mga fan, kaya pati ang simpleng salo-salo, gimik, dinner, selebrasyon, at pa-hashtag na #ParaKayB ay ikinonek sa sitwasyon nina Bea, Gerald, Julia ngayon?

O baka nga gusto lang nilang pasayahin ang kaibigan nila na alam ng lahat na nasa malungkot na sitwasyon ngayon. Pero base sa photo na inilabas nina Angel, Paulo, bongga naman ang ngiti ni Bea.

At mababasa nga ang mensahe ng mga fan, na hindi kawalan si Gerald sa kanya, at huwag muna niyang pagtuunan ng pansin ang kanyang love life.

Well, nu’ng unang beses na nag-post si Bea sa Instagram niya ng black background, agad ngang nag-message si Angel, pati na si Angelica, ng suporta at pagmamahal sa mahusay na aktres.

Ay teka lang, pareho ba ng naging karanasan sina Bea, Angelica, at Angel? At sana nga ay matulad din si Bea kay Angel, na finally ay nakahanap ng lalaking mamahalin, at magmamahal nang tunay sa kanya. (Dondon Sermino)

The post Angel, Angelica, Paulo kapit-bisig para kay Bea appeared first on Abante News Online.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *